Share

Brave

Alas-dose y medya palang ng tanghali ay nakagayak na si Jasmine para sa pagkikita nila ni Genesaret. Nagpadala na siya ng mensahe rito gamit ang cellphone ni Jarred. Hindi man ito tumugon sa kaniyang mensahe, ayos lang iyon sa kaniya. Kung wala pa ito ng halos kalahating oras ay aalis na siya.

Napatingin siya sa salamin ng kwarto ng pumasok si Jarred, kitang-kita niya ang paghanga sa mga mata ito habang tinitingnan siya. Ngumiti siya rito ng magtama ang kanilang paningin mula sa salamin.

"Nasobrahan mo naman ata sa pagpapaganda, baby." anito habang naglalakad palapit sa kaniya. Humarap siya at ngumisi sa kasintahan.

"Gusto ko lang makita ni Genesaret na hindi kung sino lang ang kasintahan mo. Gusto kong iparating sa kaniya na ang ganda na meron ako, ay ang gandang hindi mo na pakakawalan pa." aniya na nakataas ang kilay.

Tumawa ng mahina si Jarred at nang makalapit sa kaniya ay ipinalibot nito ang mga kamay sa kaniyang beywang at hinapit siya palapit rito. Tinitigan siya nito ng mat
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status