Share

KABANATA 42

Hindi malaman ni Zarina kung papaano niya natapos ang araw na iyon ng hindi ipinapahalata kay Antoine ang totoong nararamdaman niya. Hindi niya rin alam kung papaano niya nagawang tumawa habang ang puso niya ay durog na durog.

Buong maghapon silang magkasama sa pamamasyal sa Tagaytay at sa buong maghapon na iyon ay naka-plaster na ang ngiti niya sa labi. Na-master na rin niya kung papaano ikikilos na parang normal ang sarili. Kahit may hindi nakakatawa sa sinabi ni Antoine ay sinasadya niyang tumawa para kunwari ay naaaliw siya sa mga ikinukuwento nito kahit ang totoo ay hindi naman talaga. May mga pagkakataon na natitigilan si Antoine at hinuhuli nito ang mga mata niya na mabuti na lang din ay nagagawa niyang isingkit na animo’y nakatawa rin.

Kapag minsan na inaalalayan siya nito sa paglalakad o hindi kaya sa pagsakay sa kabayo ay nagagawa niyang pasimpleng umiwas sa mga hawak nito. Hindi niya alam kung napapansin ba iyon ni Antoine o hindi na lang nito binibigyan ng pansin ang pag-i
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Malya Nai
update please author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status