"Heneral Absalom!" tawag ng isa sa dalawang kawal na nagsama kay Deborah sa isang heneral.Nasa labasan na siya at ang isa pa sa mga sundalong nag-akalang siya si Hadassa."Tama ba itong ginagawa ko?" kinakabahang tanong ni Deborah sa sarili.Ilang sandali pa ay lumabas na ang sundalo at ang isang makisig na Mortano sa himpilan."Siya si Binibining Hadassa, Heneral. Hinahanap ka niya nang makita namin siya sa tindahan ng mga armas."Nakasimangot ang Mortano na tinatawag na Heneral Absalom.Pinagmasdan siya nito na tila nangingilatis."Ikaw si Binibining Hadassa, hindi ba?" tanong nito."Ako nga," halos masamid niyang sagot."Bakit mo ako hinahanap?""Inaanyayahan ka ng aking eldest sister na asawa ni Heneral Jesi na bisitahin sila sa Melyn." Pagsisinungaling niya na halos maluha sa kaba. Wala siyang ibang naisip na dahilan kundi ang mga narinig niya sa pagkukuwento ng dalawang sundalo. Nabanggit kasi ng mga ito na ikinasal na ang kapatid nito sa kapatid ng kahawig niya.Iyon lang muli
Read more