All Chapters of HER GAME: Chapter 11 - Chapter 20
42 Chapters
GAME 10: BLEEDING
Is it possible to feel different emotions in one snap of time?Ganoon kasi ang naramdaman ko matapos akong ihatid ni Ryu sa mansyon. Dahil nakatuon sa mga dayuhang emosyon na hatid niya, hindi ko namalayan ang mabilis na pagpatak ng oras kaya inabot kami nang hatinggabi sa Panganiban Coast, nalulunod sa kasiyahan. Ngunit muling nakaahon ako sa saya nang makapasok ako ng mansyon at nanaig naman ang takot."Where have you been at this late night? Ito ba ang itinuturo sa 'yo nitong si Dores? Ang umuwi ng ganitong oras?" With her nude lingerie, Tita Ingrid stood up like a tiger in front of me.Namilog nang husto ang mga mata ko dahil sa pagkagulat nang maabutan sila sa salas. "G-Gising pa po kayong lahat?"Mabilis akong nilapitan ni Yaya Dores at ipinatong ang makapal na sweater sa aking mga balikat. Pero hindi noon nabawasan ang lamig na nararamdaman ko, lito kung dahil ba iyon sa nipis ng suot kong bestida o dahil sa takot para kay Tita Ingrid."I-I will explain myself, Tita Ingrid."
Read more
GAME ELEVEN: COMEBACK
Sa isang pagkurap ng mga mata, naging malinaw na para sa akin ang lahat. Simula nang maging malapit kami ni Ryu sa isa’t isa. Sa pilit na pakikisama ni El Sandra sa akin. Sa pagkatagpu-tagpo naming tatlo nina Ren. At hanggang sa mangyari ang karumal-dumal na gabing iyon sa akin. Parte ang lahat ng laro ng babaeng iyon.“Miss Lee!” tawag ng isang pamilyar na boses.I looked back to find where the voice came from---and there she was! A familiar woman who always have her eyeglasses with her. Umukit ang ngisi sa aking labi nang makita siya sa dagat ng mga bisita, makilala ang anyo at maging ang umaapaw na strict aura sa kanyang mukha.“Or should I say... Engineer Lee?”Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. Nang makalapit, agad ko siyang niyakap nang mahigpit, kasabay ng mga mahihinang halakhak. “Ikaw naman po, Miss Aguirre. Ikaw na ikaw pa rin po talaga!”Wearing a green bandeau dress, Miss Aguirre looked elegant. She’s the CEO of the Western Eagle for the past twenty long
Read more
GAME TWELVE: REUNITED
Napataas ang kilay ko at napahalakhak nang malakas sa tanong niyang iyon. “Are you kidding me, Engineer Dela Costa? Ako? Magseselos? For what?”Napaawang ang labi niya nang magtagal ang pagtawa ko. Hindi ko kasi maisip kung saan niya ba iyon napulot para sabihin na nagseselos ako. After what happened between us, iisipin niyang mahal ko pa rin siya? Na may special na puwang pa rin siya sa puso ko? Is he kidding me?“Your actions,” he mouthed. “You say actions speak louder than words.”Napahalakhak muli ako sa lupet ng logic niya. “Yes. So, ano 'tong pinagsasabi mo?”“Naisip ko lang na baka, ahm, nagseselos ka dahil galit ka---”I tsked. “Iba rin 'yang kompiyansa mo sa sarili mo, 'no? Your bad. Don’t assume that I am still into you, Engineer Dela Costa, because I’m not!”I held my breath to stop me from laughing. Sumusobra na siya sa kaadikan niya.Naiiling na tinanaw ko ulit ang spot ni Ren sa stage. Wala na siya roon at ibang miyembro na ang kumakanta. The gray-haired mestizo man
Read more
GAME THIRTEEN: PLAN
“Anong susunod mong plano ngayon?” It was one frigid morning in December, but the incident happened last night was like the hottest summer of this year. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ang isang Rose Buenaventura, the heiress of Buenaventura Mining Corp., died last night at the party. Umabot iyon hanggang Manila kaya heto’t ang aga-agang nag-video call nitong si Michaela para sumagap ng balita.“Well. Tuloy pa rin ang plano. Ngayon pa ba ako aatras kung umaayon na sa akin ang lahat?”Hanggang ngayon, hindi pa rin matukoy kung ano ba talaga ang nangyari kay Rose. Pero base sa paunang investigation ng mga awtoridad, hinala nila na isang simpleng aksidente lang ang nangyari. Dahil sa amoy alak si Rose, baka raw nalaglag siya sa ikalawang palapag dahil sa sobrang kalasingan.But, I doubt it! Hindi iyon simpleng aksidente lang. Sinadya iyon. And I was very sure of that.“Okay.” Michaela just shrugged like it wasn’t a big deal for her. “Eh, ano naman 'yung feeling na nagsayaw kayo m
Read more
GAME FOURTEEN: MANSION
Sa kotse pa lang, halos bumuhos na ang mga luha ko dahil sa mga natatanaw ko mula sa bintana ng kotse ni Attorney Samora. Ang pamilyar na lubak-lubak na daan patungo sa lugar kung saan ako lumaki, mga matatayog na puno ng niyog na nagkalat sa paligid, at ang alat sa simoy ng hangin na umaatake sa ilong ko. Lahat, lahat ay nagpapabalik sa akin sa nakaraan.“We’re here, Engineer Lee.”Huminto ang kotse ni Attorney Samora sa tapat ng isang napakatayog na kulay gintong bakal na tarangkahan ng mansyon. Naalala ko pa sa tuwing bumubukas iyon kapag pauwi na sina Mommy at Daddy, at sasara naman kung paalis na habang ako ay nakatayo sa bulwagan, nakamasid lang sa bawat galaw nila.“Finally, I’m home,” bulong ko sa sarili.“Are you okay, Engineer Lee? If you’re not yet ready, we can move this urgent meeting tomorrow,” may pag-aalala sa boses niya.“I am fine, Attorney Samora. Hindi ko na kaya pang ipagpaliban pa 'to ng isang araw. I’ve promised my parents. Inaasahan nila ako.”Tumango na lang
Read more
GAME FIFTEEN: ENGAGED
“Are you really sure about this, Sean?” tanong ni Marl, naguguluhan sa sinabi ko.Kasabay nang pag-ihip ng alat-hangin ng hapon na iyon ay ang paglaho rin ng ngisi sa aking labi. Dahil sa umaapaw na kaligayahan na nabalik na sa akin ang mga kayaman ng aking mga magulang, nakalimutan ko nang isipin ang mga pinaggagawa ko... ang mga sinabi ko.“Yes, Tita Ingrid. I’m sorry I didn’t tell you about that. You’re mad at me at that time. Baka kapag sinabi ko sa inyo, tututulan ninyo kami ni Marl.”Bumagsak ang mukha ko sa ibabaw ng aking mga palad nang maalala ang mga nasabi ko kay Tita Ingrid kanina. Hindi ko man lang inisip ang mararamdaman ni Marl sa pagpasok ko sa kanya sa pekeng engagement na ito. Really now, Akemi? Kakasabi mo pa lang na papanindigan mong huwag masali sa larong ito si Marl. But looked what you have done? Ikaw na mismo ang nagsali sa kanya sa pekeng engagement na nalalaman mo!“About that... Uh, I am really sorry, Marl.” My face heated as I faced him.Hindi ko man lan
Read more
GAME SIXTEEN: TRUTH
Hindi ako nakapagsalita. Namumutil ang mga pawis sa aking noo, hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pagsikat ng araw o dahil bigla akong kinabahan sa banta niya.“It’s true.” A playful low baritone boomed at Ryu’s back. “She’s already engaged to me, Engineer Dela Costa. Papatayin mo na ba ako ngayon?”Napaangat ang mga mata ko kay Marl at nakahinga ako nang maluwag nang maisip na hindi na kami nag-iisa ni Ryu. Hindi ko alam kung bakit nahihirapan akong barahin ang pagbabanta ni Ryu at biglang kinabahan. Yes, he was violent but I knew he couldn’t do that. He couldn’t kill Marl or anyone. But they almost killed you, Akemi. Hindi pa ba sapat na rason iyon na kaya nga niyang gawin ang banta niya?“Yeah, i-it’s true,” sabay yuko ko dahil hindi ko kaya ang dilim sa mga mata ni Ryu.Lumapit sa akin si Marl at iniakbay ang kanyang braso sa balikat ko. “What are you doing here, Engineer Dela Costa? Don’t tell me you came here just to ask that?”Napatingin si Ryu sa braso ni Marl at naniningkit
Read more
GAME SEVENTEEN: KISS
“Hindi ba sinundan mo si El Sandra kagabi? Anong nangyari, Akemi?”Napangisi ako nang maalala ang mga nangyari kagabi. The distraught of El Sandra’s face was so priceless. Hindi ko inasahan na matatakot ko siya ng ganoon kalubha.“As usual, I won again. I scared El Sandra that made her trembled in her whole life,” deklara ko na may ngisi ng tagumpay sa aking labi.“Ibig mong sabihin... ginawa mo rin sa kanya ang pananakot na ginawa niya sa 'yo noon?”“You got it right, Michaela!” I snapped.Lumaki ang mga mata ni Michaela dahil sa gulat. Tumayo siya at itinukod ang mga kamay sa lamesa ko at yumuko nang bahagya. “Nagawa mo 'yon sa kanya?”Ibinababa ko ang papel na binabasa bago pa siya pumasok sa opisina ko at mariin siyang tiningnan. Humilig ako sa swivel chair at marahan na dinuyan ang sarili. Mas lumawak pa ang ngisi sa aking labi tuwing sumasaglit sa aking isipan ang hitsura ni El Sandra kagabi.“Of course. She deserved it, Michaela.”May mangha sa kanyang mukha bago wala sa saril
Read more
GAME EIGHTEEN: WON
Two weeks had passed by after that meeting. Nagkaroon ng one week vacation ang buong LEC because of the Christmas and New Year celebration. Dahilan para ma-delay ang project at ang meeting sana last week.I spent my vacation at my condo with Michaela and Marl, of course. Nagkaroon lang kami ng mumunting selebrasyon na aaminin ko, medyo nagpa-relax sa akin mula sa tension na nangyari nang nakaraan. Sumaglit din akong dumalaw sa puntod ng pamilya ko para bumisita, magdasal at mag-alay ng mga bulaklak. I also took that opportunity to visit Yaya Dores at the mansion. Thankfully, Tita Ingrid and El Sandra were on their out-of-the-country vacation. Kung saan, hindi ko na inalam pa.Kinagabihan ay lumipad din kami pa-Maynila ni Marl para dumalo sa isang charity event ng isang bahay ampunan. At ngayon ay ang unang araw ng pagbabalik trabaho ng mga empleyado at hindi ako mag-aaksaya ng panahon para sa big project namin with Western Eagle Corporation.I was alone in my office when Michaela lef
Read more
GAME NINETEEN: FEAR
I consumed my energy touring the LEC building in the next days. May limampung palapag ang LEC. Sa unang palapag ay ang tanggapan para sa mga empleyado, mga guest, at opisina ng Human Resources. Sa susunod naman na palapag hanggang sa ika-apatnapu, ang mga hotel rooms.Matatagpuan naman ang mga opisina sa ika-apatnapu’t isa hanggang sa ika-apatnapu’t lima. Sa susunod naman na mga palapag ay ang sa opisina ko, gym, leisure rooms, function hall, at ang private rooms na para sa family namin.Tunay ngang napalago ni Tita Ingrid ang kompaniya. Kung narito lang sana sina Mommy at Daddy, alam kong sobra silang matutuwa na makitang lumago ang kompaniyang pinaghirapang itayo nila.Gaya ko, alam kong papasalamatan din nila si Tita Ingrid dahil hindi niya ito pinabayaan.Kinausap ko ang mga direktor ng bawat departamento na binisita ko. I was glad to know, na ang iilan sa kanila, matagal ng naninilbihan sa kompaniya. Lahat ng natanong ko kung kamusta ba ang pakikitungo ni Tita Ingrid sa kanila, n
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status