"Ang sama ng tabas ng mukha mo. Biyernes santo ang theme. Hindi siya giving ses sinasabi ko sayo." Puna ni Shiela habang nag-aayos ng lens niya. "Manahimik ka diyan, Shiela. Kung gusto mo pang mabuhay ang camera mo." Dumila siya at nanunuksong ngumiti. "Ay ganiyan pala magselos ang Avern Dela Cruz. Sorry, ka teh. Hindi mo pwedeng basagin ang cam ko mahal pa 'to kahit pagtrabahuan natin buong buhay. Mamumulubi tayong dalawa." "Selos? Ano ako girlfriend? Karapatan ko sa kanya. Pakihanap ng pake." Irap ko sa kanya, binuhat ko ang makeup kits na gagamitin ng glam team sa kabila. "Girlfriend? Paladesisyon malala." Mahina siyang natawa. "Kawawa ka naman, Friend. Bakit kasi Billionaire ang tipo mo? Di bale mas bet nga na may standard. Sa babaeng tulad mong maganda, mabait pa deserve mo ng happily ever after." "Hindi 'to fairytale, Shiela. Walang nag-e-exist na happily ever after at least not nowadays." "Bitterret ka masyado. Malay mo makabingwit ka ng fafa dito. Maganda ang isla
Last Updated : 2024-02-28 Read more