"Oh, kumusta ang trabaho? Madalas ata ang overtime mo. Teka bakit namumugto ang mga mata mo, Avern? Magtapat ka nga sakin umiyak ka ba? Masama ba ang pagtrato nila sayo? Sinaktan ka ba nila?" Bungad ni Angelique sa akin, kakapasok ko sa kusina at hindi nakatakas sa talas ng mata at pakiramdam ng kaibigan ang hinanakit na aking pinagdadaraanan. Nginitian ko siya. "Wala, Angelique. Pagod lang." "Deny pa, sis. Halata sa mukha mo na may iniinda ka." Hinila niya ako papunta sa sala at pinaupo. Humalukipkip siya, tumitig sa mga mata ko. Tila doktor na sinusuri ang pasyente. Bumuntong hininga ako. Bakit ko pa itatago? Nandito na ako, might as well tell her. "May sasabihin ako." Umayos siya ng upo. "I'm in love with my Boss." Halos mahulog siya sa kinauupuan at lumapit sakin. Namilog ang mata niya na parang hindi makapaniwala sa narinig. "Sure? No joke? Baka inuuto mo lang ako." Tinaasan ko siya ng kilay. "Iiyakan ko ba kung hindi ako nagseseryoso?" Umingos si Angelique
Last Updated : 2024-01-22 Read more