Taming The Heir

Taming The Heir

last updateHuling Na-update : 2026-01-19
By:  Purple HyacinthOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 Rating. 1 Rebyu
108Mga Kabanata
1.9Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Sa buhay kailangan mo talagang kumapit sa patalim lalo na kung walang-wala ka. Ito ang ginawa ni Avern Dela Cruz at sa hindi inaasahang pagkakataon ay natagpuan ang isang lalaking tunay na bumihag sa kanyang puso. This forbidden love drives her still. Lalabanan niya ba ang nararamdaman o bibigay sa lalaking nagpapatibok ng kanyang puso? A heated battle begins.

view more

Kabanata 1

Prologue

Ano ba ang kasalanan ko para parusahan ako ng ganito? Simple lamang ang buhay na gusto ko pero bakit umabot sa sitwasyong ito?

Hindi ko lubos maisip kung saan ako nagkulang. Kung ano ang maling nagawa ko para itaboy ako ng ganito ng sarili kong pamilya. Marahan kong hinaplos ang namumulang pisngi habang nakatanaw sa papalayong senaryo ang lugar na kinagisnan ko.

"Lumayas ka dito. Ikaw ang may kasalanan kung bakit nakaratay ang Mamà sa hospital! Dapat ikaw yun!"

Nanginginig pa ang aking kalamnan sa matinding gutom na ininda ko ng ilang araw. Ang hacienda, pamilya at mga taong minahal ko. Ako si Avern Dela Cruz ang tanging tagapagmana ni Elena Dela Cruz. Isang tanyag na aktres noong kapanahunan nito at ang may ari ng pinakamalaking hacienda ng aming probinsya. Ako ang napili nitong pahawakin sa mga negosyo pero bago pa ito malipat sa pangalan ko ay isinangla ng aking Tito.

Mahilig itong magsugal, uminom at magdala ng mga babae. Pumayag lamang si Lola sa dahilang anak niya ito hanggang sa umabot sa punto na wala ng natira. Nang malaman ng Lola ay inatake ito sa puso. Hindi ko alam ang buong pangyayari lalo na ay nanggaling ako sa kuwadra noong mga oras na iyon. Naigastos ko ang mga ipon ko sa pag-admit at pagbili ng mga gamot.

Sinubukan kong ayusin ang lahat. I truly tried my best...but I guess my best wasn't enough. Patawad, Lola. Nabigo ako. Humalukipkip ako at humingang malalim. No, Avern. Kailangan kong magpakatatag. Aayusin ko ito. Babalikan ko sila. Babalik ako.

"Miss, ticket niyo po." Sabi ng konduktor.

"Teka, Kuya." Kinapkap ko ang bulsa ko para dukutin ang wallet ko. Kumunot aking noo nang napagtanto na wala ito. Mabilis akong tumayo at hinanap ito. Hindi lang wallet ang nawawala, kundi pati na rin ang katabi ko kanina. "Nandito lang yun, eh."

Sumimangot ang konduktor.

"Ano ba Miss? May ticket ka ba o wala? Rason mo lang ba yan? Kapag wala ibababa ka namin."

Naiiyak akong nagpatuloy sa paghahanap.

"Nandito lang yun. Sigurado ako, nasa wallet ko ang ticket."

"Anong problema? Wala ba?"

Napayuko ako at walang ibang nagawa kundi tumango. Kinatok nito ang bintana.

"Tol, may bababa!" Sigaw nito sa driver. Ilang minuto ay tumigil na ang bus.

Maluha-luhang kinuha ko lahat ng gamit ko. Mabigat ang dibdib na bumaba mula sa bus. Dala ang bag, sarili at ang sama ng loob. Naikagat ko ang ibabang labi habang nakatingin sa papalubog na araw at papalayong bus.

Mga puno at makulimlim na langit ang tanging natatanaw. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Kahit madilim ay hindi ako humihinto. Hindi ako maaring sumuko. Hindi ngayon. Hindi kailanman.

Nanlalabo ang aking paningin sa luha. Suminghot ako.

"Kaya mo 'to, Avern."

Bumaba aking mata sa reflection ng cellphone. Namumugto at namumula ang aking mga mata. Buhaghag ang medyo kulot kong buhok. Nakaputing bestida pa ako. Kung may makakakita man sakin ngayon ay hindi imposibleng mapagkakamalan akong multo.

Umilaw ang cellphone ko at tumunog. Nabuhayan ako ng dugo.

"Hello, Avern. Nabalitaan ko ang nangyari. Kumusta ka na? Sabi ng pinsan mo siya ang nagbabantay kay Lola Elena. Nasaan ka ba?"

"A-angelique. Okay lang ako."

"Nanginginig ang boses mo. Babae magtapat ka sakin. Nasaan ka ba?"

Tumikhim ako.

"Papunta sana ako sa Maynila pero..."

"Ano? May nangyari ba?"

"Nawala ang ticket ko...pati ang wallet."

"Gaga, ano ba yan! Paano ka na? Nasa bus ka pa ba?"

"H-hindi. Pinababa ako."

"Avern naman. Sinabihan mo sana ako."

"Hindi mo ako responsibilidad—"

Hindi natapos ang aking sasabihin nang biglang lumiwanag ang paligid. Halos mabingi ako sa lakas ng busina. Malakas ang kabog ng puso ko. Nabitawan ko ang aking cellphone. Tanging puti lang ang nakikita ko.

May naramdaman akong malakas na puwersang tumama sa katawan ko. Nangmamanhid ang kabuoan at bumibigat ang paghingang napapikit.

"What was that, Jack?!" Galit na sigaw ng isang baritonong boses. Narinig ko ang papalapit na yabag. Mukhang hindi lamang ito nag-iisa.

"Sorry, Sir. Madilim po. Hindi ko naaninag na may tao pala."

Bumuntong hininga ito. Lumapit ito, bahagya akong natigilan nang may isang pares ng makisig na bisig ang yamapos sa katawan ko at inangat. Sinubukan kong imulat aking mata pero masyado akong nanghihina. Hinaplos ng malapad at mainit nitong palad ang aking mukha. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kotse.

"Drive faster, Jack. Make sure to go to the nearest hospital. We need to get her checked. I'm not gonna allow anyone to die on my watch. I can't risk tainting my reputation." Supladong sambit ng lalaking may hawak sakin.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Rebyu

Bratinela17
Bratinela17
Highly recommended .........
2024-02-21 14:20:07
0
0
108 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status