All Chapters of Ang Rebelde at Ang Sundalo: Chapter 11 - Chapter 20
102 Chapters
CHAPTER 11
Chapter 11Lubos ang nararamdaman kong saya noong makita ko siya. Tulad ng sinabi ni Daddy, baka muli kong makikita ang kaibigan ko kung kailan ay hindi ko inaasahan. Tama siya, dumating si Dindo sa panahong hindi ko inaasahan. Sa pagkakataong hindi ko siya hinahanap.Unang araw pa lang ng pasukan ngunit kaagad na akong hindi maka-focus sa mga sinasabi ng aming mga guro. Wala akong naiintindihan sa aming asignatura. Si Dindo ang tumatakbo at walang pagod sa kalalaro sa aking isipan. Lagi ko siyang tinitignan ngunit malas lang dahil nasa likod ako samantalang siya ay nasa harapan. Tanging likod lang niya ang nakikita ko at ang kaniyang pisngi. Alam kong batid niyang naroon ako sa likod. Bakit hindi man lang ako lingunin? Bakit ni hindi niya magawang tapunan ako ng kahit man lang isang mabilis na sulyap? Galit pa rin kaya siya sa akin?Kringgggg! Kringgggg! Kringgggggg!Sa wakas, recess na rin. Mabilis akong lumapit sa kanya ngunit mas maagap ang kanyang pagtayo at pag-alis. Hindi ko al
Read more
CHAPTER 12
CHAPTER 12 Algebra. Kinabukasan nang nangyari ang eksena sa Biology class namin. May usapan na kung sino ang magiging highest o maka-perfect ng aming quiz ay mamimili siya sa mga nakakuha ng pinakamababang marka ng magbubura ng aming pisara ng isang buong Linggo pagkatapos ng aming klase o kaya ay sa tuwing mapupuno na ang pisara at kailangang magbura.Alam kong hindi man ako nag-aaral ngunit hindi naman siguro ang pinakabobo sa Math. Hindi man ako nakasusunod ngunit may nasagot naman siguro ako. nang bigayan na ng naiwastong papel, as expected, pinakamataas na naman siyempre si Dindo. Isa lang ang mali niya. Magaling talaga.Pinakamababa? Anim kaming 3 points lang ang score. Anim kami. Ako dude niya. Malayong ako ang gagawin niyang tigabura sa blackboard. Dikit kami dati e. May pinagsamahan kaya malayong ako ang aatasan niya sa pinakaayaw kong gawain.Pero nadgdagan ang pagkairita ko sa kanya. Ang pinili sa aming anim na magbura? Ako. Ako pa rin ta
Read more
CHAPTER 13
CHAPTER 13 "Imbes na igugol natin sa pagrereview o pagbabasa sa next na subject natin ang oras na wala ang teacher natin sa first period ay mas pinipili pa ninyong makinig diyan sa walang kuwentang jokes ni Ancheta. Baka matulad kayo diyan, kababaeng tao pero puro yabang lang kahit halos bagsak na ang mga exam." Biglang tumaas ang dugo ko. Parang lahat ng natitira kong pasensiya sa kaniya ay tuluyan nang naglaho. Masyado na niya akong pinapahiya sa mga kaklase ko. "Ano bang problema mo sa akin, ha!" singhal ko. Napatayo ako sa inis. "Problema ko sa'yo? Masyado kang mayabang! Masyado kang epal! E kung gamitin mo kaya ang yabang at kaepalan mo sa discussion natin, siguro mas bibilib pa ako sa'yo." "E, ano kung bobo ako! Inaano ba kita ha! Tinigilan na kita ah! Baka gusto mong pansinin ka lang dahil lahat ng atensiyon nila ay napupunta sa akin." "Ulol! Hindi ako ganun kababaw. Nagsisimula
Read more
CHAPTER 14
CHAPTER 14 Nagpatuloy ang malamig na pakikitungo niya sa akin. Lantaran pa rin kung ipamukha niya sa akin na bobo ako. Dahil sa walang tigil niyang pagpapa rinig at pagpapamukha sa akin na matalino siya at mapurol ang utak ko ay ipinangako ko sa aking sarili na mag-aaral akong mabuti. Titignan niya kug paano ako gumanti. Mararamdaman niya kung paano ko siya lalabanan. Hindi ko lang siya papantayan, lalagpasan ko pa siya.Nagsimula akong magbasa gabi-gabi. Tinutukan ko ang aking pag-aaral. Tuwing walang pasok ay libro ko lang ang hawak ko at nag-eensayo ng basketball kasama sina Dindi at iba ko pang tropa. Minsan nga kahit mga lalaki, kinakalaro ko na. Gusto kong ipakita sa kanya na oo, babae ako pero kaya ko rin laruin ang laro nilang mga barako. Lahat ng pwede kong gawin para matuto sa lahat ng asignatura namin ay ginawa ko. Pursigido ako. Ipapamukha ko sa kanya na hindi ako bobo tulad ng pagkakakilala niya sa akin.Tahimik lang ako sa klase ngunit nakikinig. Nagmamatyag sa lahat n
Read more
CHAPTER 15
CHAPTER 15Nagtaas ako ng kamay."Aya! Wow! Okey ah! Salamat naman at may isa sa klase ko ang nag-aral at hindi lang kung ano ang nasa textbook. Sige nga, sabihin mo nga sa amin kung ano ang alam mo sa Qin dynasty?" Alam kong unti-unti ko na siyang uungusan. Simula palang iyon. Humanda siya sa mga susunod pa naming tunggalian. Unti-unti ko siyang patutumbahin. Ilalaglag ko siya sa sinimulan niyang laban.Nang matapos ang second year namin, siya na naman ang first honor at hindi man lang ako umabot sa top 5. Ang dahilan, huli na nang nagpakitang gilas ako. Pero hindi pa tapos ang laban. Nagsisimula pa lang ako at paghahandaan ko ang aming muling pagtatagian. May mga susunod pang mga taon.Dahil sa bakasyon ay minabuti ni Daddy na sunduin ako at doon sa bahay gugulin ang aking bakasyon. Hindi ako pumayag noong una ngunit napilit din nila ako. Naisip ko kasi, matagal na naman bago ko makakasama ang pamilya ko at wala rin namang silbi na manatili ako sa Diadi dahil hindi rin naman kami
Read more
CHAPTER 16
CHAPTER 16Pagdating namin sa school at pagbaba ko ay nakita kong nanlalaki ang mga mata ng iba kong kamag-aral sa akin at sa aming sasakyan. Parang hindi sila makapaniwalang amin iyon at Daddy ko ang guwapo, matagkad at maskuladong kasama ko. Ganito ba talaga sa probinsiya? Sa Manila kasi, normal na lang sa aming magkakaklase ang ihatid ng kanilang mga magulang gamit ang sarili nilang sasakyan. Bakit dito iba ang kanilang mga tingin.Pagkatapos naming makipag-usap at nagkaliwanagan tungkol sa pagbibigay ng financial support kay Dindo ay umalis na si Daddy. Nag-iwan siya ng pera sa adviser namin na ibibigay naman kay Dindo. Nang araw na iyon namataan ko ang pagdating ni Dindo ngunit umalis din pagkatapos nilang mag-usap ng aming adviser. Sinilip ko siya sa bintana nang dumaan."Pssssttt!" pagpapapansin ko.Nilingon niya ako.Kumindat.Ngumiti ako.Hindi siya ngumiti ngunit hindi naman salubong ang mga kilay.Nakaramdam ako ng excitement sa sumunod na araw. Nagpabango ako, nagpolbo,
Read more
CHAPTER 17
CHAPTER 17 Intramurals. Nagkaroon ng classroom elimination sa paglalaro ng chess para maging pambato naming mga third year sa buong campus. Kami ni Dindo ang huling naiwan magtunggali.Naalangan ako nang umupo ako sa harap ng chess board. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko nang naglalakad na siya palapit sa akin. Mas lalo na siyang pumogi sa tingin ko. Gumanda na lalo ang hubog ng kaniyang katawan. Tumangkad at mas pumogi dahil sa bago na ang kaniyang suot na uniform at sapatos. Alam kong lahat ng binibigay namin ni Daddy na tulong sa kaniya ay ginagamit niya iyon sa kaniyang pag-aaral. Hindi na siya mukhang gusgusin.Ngayon lang kami muling magkakaharap nang ganoon kalapit. Pagkaupo niya ay tinignan ko siya. Tumingin din siya sa akin. Naroon din ang coach naming at nakawak sa aming timer."May the best player win?" iniabot ko ang kamay ko sa kanya.Lumingon muna siya sa coach namin. Naalangan din siguro. Tinggap niya naman ang kamay ko at naramdaman ko ang init ng kaniyang palad.Ito
Read more
CHAPTER 18
CHAPTER 18"Dude, okey ang assist mo kanina sa akin ah. Salamat." Sabi ko nang palapit ako sa kaniya."Nagkataon lang na ikaw na lang ang libre kanina pero kung may iba pa akong pagpapasahan sana kanina, malamang hindi ko sa iyo ipagkakatiwala ang bola.""Friends uli?" tinaas ko ang kamay ko bilang pakikipag-apir."Wala akong panahon makipagkaibigan pa. Marami akong priorities." Kinuha niya ang nakasabit niyang damit sa puno. Isunuot iyon at tumalikod. Binaba ko ang kamay ko. Pagdating ng Second Grading, pantay na kami ng average. Nakakagulat pero pantay na kami. Kailangan ko na siyang tuluyang maungusan. Mas nakita ko kung gaano na siya nagiging kamasigasig sa kaniyang pag-aaral. Dahil gusto ko siyang talunin. Hindi ako magpapatalo. Third grading. Lahat sila nag-aabang na ipost na ng Advicer namin ang Top 5. Masyado yata kasi nae-entertain ang mga kaklase ko sa sagupaan namin ni Dindo sa talino at sports. Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata nang lumapit sa akin galing siya
Read more
CHAPTER 19
CHAPTER 19Matagal na akong nakahiga ngunit hindi pa siya tumatabi sa akin. Abala sa pag-eensayo sa kaniyang cartooning o maaring naaasiwang tabihan ako. Kahit pilitin kong matulog ay hindi din naman ako makatulog dahil sa hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Hanggang sa pinatay na niya ang isang ilaw dahil nakatapat ang ilaw na iyon kay Coach kaya sinabihan siya ng coach namin na matulog na para makapagpahinga kaming lahat. Ngunit may isa pang ilaw na bukas sa loob at may ilaw din sa labas ng classroom namin na siyang sumasabog pa rin ng liwanag sa aming hinigaan.Nagtanggal siya ng pantalon at damit. Tanging mahabang jersey short lang ang suot niya. Nagkunwarian akong tulog na tulog nang inaayos na niya ang kumot at unan niya. May pekeng hilik pa nga ako para mas effective. Tahimik na ang lahat. Narinig ko na din ang mahinang hilik ng mga kasamahan namin. Maliban sa langitngit sa kama nina Sir at Rod na nakatalukbong at kumikilos. Naisip ko, bakit kaya anlikot nilang matul
Read more
CHAPTER 20
CHAPTER 20"Walang ganyanan sir. Nirerespeto kita. Huwag kayong gumawa ng ikakasira ng mataas na tingin ko sa inyo." Sagot ni Dindo.Tumayo ako. Binuksan ko ang ilaw. Nagulat silang dalawa na nakatingin sa akin.Si Bea man din ay napabalikwas sa pagkagulat."Sir, alam ko ang ginawa mo kay Rod at kung gagawin mo din iyan kay Dindo, pasensiyahan na lang tayo pero irereport ka namin sa Principal natin. Kaibigan ni Daddy ang principal natin at paniniwalaan ako no'n kung isusumbong ko ang ginagawa ninyo sa mga istudiyante ninyo. Hindi ako natatakot sa inyo sir. Pasensiyahan na lang ho tayo." Walang kagatol-gatol na banta ko sa coach namin.Hindi nakasagot si Sir Nestor sa akin. Alam niyang hindi ko siya tinatakot lang. Hindi ko siya aatrasan. Kinuha ni Dindo ang kumot at unan. Ipinuwesto niya iyon sa aking kama. Lumabas ang coach namin na parang natauhan sa narinig niya sa akin. Ni hindi niya kayang iharap ang mukha niya sa amin.“Okey ka lang ba, Dindo?” tanong ni Bea.“Okey lang ako. Wal
Read more
PREV
123456
...
11
DMCA.com Protection Status