Share

CHAPTER 18

CHAPTER 18

"Dude, okey ang assist mo kanina sa akin ah. Salamat." Sabi ko nang palapit ako sa kaniya.

"Nagkataon lang na ikaw na lang ang libre kanina pero kung may iba pa akong pagpapasahan sana kanina, malamang hindi ko sa iyo ipagkakatiwala ang bola."

"Friends uli?" tinaas ko ang kamay ko bilang pakikipag-apir.

"Wala akong panahon makipagkaibigan pa. Marami akong priorities." Kinuha niya ang nakasabit niyang damit sa puno. Isunuot iyon at tumalikod. Binaba ko ang kamay ko.

Pagdating ng Second Grading, pantay na kami ng average. Nakakagulat pero pantay na kami. Kailangan ko na siyang tuluyang maungusan. Mas nakita ko kung gaano na siya nagiging kamasigasig sa kaniyang pag-aaral. Dahil gusto ko siyang talunin. Hindi ako magpapatalo.

Third grading. Lahat sila nag-aabang na ipost na ng Advicer namin ang Top 5. Masyado yata kasi nae-entertain ang mga kaklase ko sa sagupaan namin ni Dindo sa talino at sports. Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata nang lumapit sa akin galing siya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status