Semua Bab Marry Me, Mr. Professor: Bab 31 - Bab 40
49 Bab
Chapter 31
Natigil sila Almario at ang kaniyang nobya sa kanilang ginagawa, para silang mga daga na nahuli ng isang pusa. Hindi sila makagalaw nang makita nila si Jasper. “M -mom,” ani ng nobya ni Almario. “Naglunch ako kasama ng daughter in law ko,” ani Jasper. “May emergency daw kaya sinundan ko. Kayo lang pala ang maaabutan ko.” “D -daughter in law?” takang tanong ni Amora, nobya ni Almario. “May isa pa po bukod sa akin?” Napangiti si Jasper. Tumango ito at tinuro ang bakery shop na pinanggalingan nila kanina. “Yup, yung may-ari ng bakery shop na pinanggalingan nyo.” Napahawak sa bibig si Amora nang mapagtanto ang mga narinig. Gulat syang tumingin kay Almario. “W -wag mong sabihin na… sya yung girlfriend ni Kuya Alvin?” Natatawang tumango si Almario. “Masyado ka kasing oa. Nakakahiya tuloy.” “Sinong di magiging oa? Napakalayo nitong bakery shop sa office nyo. Dito ka pa bumili!” Napalunok sya at hindi mapakali. Humarap sya sa mommy ni Almario, si Jasper. “M -mom, pwede nyo po akong sa
Baca selengkapnya
Chapter 32
Hindi mapigilan ni Alexis na kabahan sa mga narinig nya kay Alvin. Napalunok sya at hinintay ang sasabihin nito. Hinanda nya ang sarili at huminga ng malalim. Kahit na malamig ang simoy ng hangin sa labas ay nagpapawis ang mga kamay niya sa kaba.Hinawakan ni Alvin ang kamay ni Alexis nang maramdaman na kinakabahan ito. Ito na ang tamang oras para kay Alvin para sabihin kay Alexis ang totoo. Hindi na rin nya kaya ang pagtatago ng mga rason na ito dahil nagiging unfair na sya para sa kaniyang sarili at kay Alexis.“I have post traumatic disorder,” panimula ni Alvin. “Lagi akong laman ng mga clinics or hospitals noon t see a psychiatrist but it doesn’t work. Hindi ako naging ok. Nagkaroon ako ng insomnia and trust issue.”Bumaling sya sa gilid at nagtagpo ang mga mata nila ni Alexis. Ngayon ay ilang inches na lang ang pagitan ng kanilang mukha. Ramdam nila ang bawat hinga na ginagawa. Sa isipan ay hindi maiwasang malungkot ni Alexis. Kaya pala hirap makatulog si Alvin, akala nya ay dah
Baca selengkapnya
Chapter 33
Maagang nagising si Alexis dahil muli sa sikat ng araw. Maganda na naman ang sikat ng araw ngayon at ganoon din kaganda ang gising niya. Bumangon na sya kaagad at nag-asikaso ng lulutuin para sa almusal nila ni Alvin.Natapos na sya lahat lahat ngunit si Alvin ay tulog pa rin. Pumasok sya sa loob ng kwarto at naabutan nyang manimbing na natutulog si Alvin. Umupo sya sa gilid ng kama at napatitig sa mukha nito. Napangiti sya dahil mukhang maganda rin ang tulog nya. Sa pagtitig nya ay hindi nya namalayan na nagising na ito kaya naman nataranta sya at biglang tumayo. “G -good morning,” nahihiyang bati ni Alexis na tila ba nahiya sa kaniyang ginawa kanina. “Sarap ng tulog ah,” dagdag nya pa.Napaunat si Alvin at niyakap si Alexis na ngayon ay gulat na gulat sa ginawa nya. Napalunok pa ito nang idantay pa ni Alvin ang ulo sa tyan niya. Ramdam ngayon ni Alexis ang bawat paghinga nya na sumasagi sa kaniyang tyan.“Bumangon ka na,” ani Alexis at bahagyang ginulo ang buhok ni Alvin. “Kumain
Baca selengkapnya
Chapter 34
“See you later,” ani Alvin kay Alexis. Ngayon ay na sa tapat na sila ng gate ng university. Nagpasundo si Alexis kay Jasmine gamit ang motor ng bakery shop dahil nagkaroon ng biglaang meeting sila Alvin. Gusto man maglibot pa ni Alexis ay wala rin naman syang magagawa dahil kailangan ng presensya ni Alvin sa meeting bilang dean. “Mauna ka na sa loob, baka nag-uumpisa na yung meeting nyo,” ani Alexis at tumingin sa kaniyang relos. “Malapit naman na si Jasmine. Mga ilang minuto lang ay nandito na rin ‘yon,” dagdag nya.Umiling si Alvin. “Hindi,” natatawang sagot nya. “Hihintayin kitang makasakay bago ako umalis. Paano kung nandito pala yung ex mo?” pagbibiro nya. Mahina syang nahampas ni Alexis sa braso. “Ikaw talaga, masyado ka na naman. Sge na pumasok ka na at malapit na yun si Jasmine.”Aalma pa sana sya nang makita nila si Jasmine sa hindi kalayuan, papunta na sa kanila ngayon. Humarap si Alexis kay Alvin. Hindi na napigilan pa ni Alvin ang sarili, humakbang sya at lumapit kay A
Baca selengkapnya
Chapter 35
Matapos ng naging usapan ay inihatid ni Alexis si Emily nang mayroong ngiti sa mga labi. Buong akala nya kasi ay galit ito dahil sa ginawa nyang pakikipaghiwalay kay Manuel. Hindi nya akalain na lubos nyang nauunawaan ang kaniyang sitwasyon. Ganoon kabait ang mommy ni Manuel at hindi nya alam kung kanino nagmana si Manuel.Nang makita nyang makasakay at umandar ang sasakyan ni Emily ay sya namang pagdating ni Joy. Hindi sya nagkamali dahil nang bumukas ang pintuan ng sasakyan ay agad nyang nakita si Joy na mayroong bitbit na isang box.“Ano ‘yan?” agad na tanong nya nang makalapit ito. “Ang laki naman nyan.”“Mamaya mo na tanungin, tulungan mo muna kaya ako?” agad na sagot ni Joy sa kaniya. “Bilis, mababagsak na yata. Nangangalay na ako sa bigat.”Agad naman na tumulong si Alexis at inalalayan ang bitbit ni Joy. Sabay silang pumasok sa shop at inilapag ang box na bitbit sa pinakamalapit na table. Napahinga ng maluwag ang dalawa.“Ang bigat,” ani Alexis. “Ano ba kasi ‘yan?” dagdag nya.
Baca selengkapnya
Chapter 36
Balak na sanang magpahinga ni Alexis nang makaalis si Joy ngunit hindi nya inaasahan ang papasok ng isang babae sa shop nya. Ang babaeng nandito kahapon na napagkamalan syang kabit, si Amora.“Good afternoon,” ani Alexis pagpasok ni Amora.“Good morning, Alexis,” bati pabalik ni Amora. “Upo muna tayo,” dagdag pa ni Amora. Minuwestra nito ang malapit na upuan. Umupo naman si Alexis at sa isipan ay para bang napapagod na sya. Ang daming ganap ngayong araw, nakausap nya ang mommy ni Manuel, nakatanggap ng regalo kay Joy, at ngayon ay kausap ang babaeng napagkamalan syang kabit.Ngayon na nakaupo na sila sa mesa ay um-order si Amora ng best seller ni Alexis na egg pie at ensaymada, may fresh milk din at tea. Hindi rin naman nagtagal ay dumating ang order nila.“Again, sorry ulit sa nangyari kahapon, Alexis,” panimula ni Amora. “Hindi ko sinasadya. Hindi ko man lang tinanong ang fiancee ko at nagdesisyon ako agad na pumunta rito sa shop mo.”Kita naman ni Alexis na sincere si Amora sa mga
Baca selengkapnya
Chapter 37
Hapon na nang makauwi sila Alvin at Alexis mula sa mahabang byahe. Malamig ang simoy ng hangin. Nang huminto sa tapat ng bahay ay napatingin si Alvin kay Alexis. Nagdadalawang isip si Alvin kung gigisingin nya si Alexis dahil nakasandal ito at nakapikit ang mga mata. Mukhang napagod dahil sa dami ng nangyari kaninang umaga. Napaniti si Alvin. Kaya naman ang ginawa ni Alvin ay lumabas ng sasakyan at dahan dahang binuksan ang pinto. Napailing pa sya nang makita na tulog pa rin si Alexis kahit na lumamig ang hangin.. Kinarga nya ito na para bang bagong kasal. Mabilis ang pangyayari at nagulat na lamang si Alexis na dibdib na ni Alvin ang agad na bumungad sa kaniya pagdilat ng kaniyang mga mata. Napalunok pa sya sa kaba at pagkabigla dahil hindi nya ito lubusang inaasahan. Araw araw na lang ay may nakikita syang bagong side ni Alvin na ikinatutuwa nya.“B -bwisit ka!” kinakabahang sabi ni Alexis. “Baka malaglag ako, Alvin!“Natatawang pumasok si Alvin sa bahay habang bitbit pa rin si Al
Baca selengkapnya
Chapter 38
Hindi mapigilan ni Alexis na makaramdam ng takot at kaba sa mga maaaring mangyari ngayong araw. Lalo pa at na sa harapan nya ngayon si Manuel na mayroong galit na ekspresyon sa mukha. Nakailang lunok na sya para pigilan at pakalmahin ang sarili. “Let’s talk, right now,” madiin na sabi ni Manuel sa kaniya at hinatak sya palabas ng sasakyan.Pinasok sya nito sa katabing sasakyan. Nanginginig na sa takot si Alexis at ang kaniyang luha ay nagbabadya na ring bumagsak. Hindi nya alam ang gagawin dahil napakabilis ng pangyayari.Nilock ni Manuel ang pintuan kaya kahit na anong pilit buksan ni Alexis ang pinto ay hindi ito bumubukas.“B -buksan mo ‘to!” sigaw ni Alexis na hanggang ngayon ay pilit pa rin na binubuksan ang pinto. “Hindi na ako natutuwa, Manuel. Hindi ako nagbibiro.”Napatiim bagang si Manuel sa ingay na ginagawa ni Alexis. “Mag-usap muna tayo ng maayos, Alexis.”“Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na wala na tayong dapat pag-usapan?” inis na tanong ni Alexis sa kaniya. “Buksan
Baca selengkapnya
Chapter 39
“Mommy, daddy,” ani Alexis na ngayon ay tumahan na sa pag-iyak. Hinawakan nya ang balikaw ng kaniyang mommy. “Tama na po, ok lang po ako.”Kakaalis lang ni Manuel gamit ang kaniyang sasakyan. Ni hindi na ito nakapagpaalam pa sa parents ni Alexis dahil sa kahihiyan. Ni hindi nya nadepensahan ang sarili sa mga sinabi ng magulang ni Alexis. Naiwan sa parking lot sila Alexis at ang parents nito. “Hindi pwedeng ganito, anak,” sagot ng mommy nya. “Hindi kami papayag na gaganyanin ka lang ni Manuel. Masakit para sa amin. Ikaw, sigurado ka bang ok ka lang? Hindi ka ba nya sinaktan?”Napalunok si Alexis at nag-iwas ng tingin. Hindi nya kayang sabihin ang totoo. Hindi sya ok, grabe ang trauma na nakukuha nya kay Manuel. Pero wala syang choice kung hindi ang umiling.Ayaw na nyang lumaki pa ang gulo dahil pagod na sya.“Hindi naman po,” sagot nya ng pilit. Ngumiti sya at pinunasan ang luha sa pisngi. “Pasok na tayo sa shop, mommy. Nagugutom na rin po kasi ako. Kumain na po muna tayo.”Sabay saba
Baca selengkapnya
Chapter 40
Tanghali na ngunit hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ni Alexis. Napapakagat pa sya sa kaniyang labi sa tuwing naaalala ang mga nangyari kagabi. Inangat nya ang kamay nya at tinignan ang singsing na ibinigay ni Alvin sa kaniya. Kumikinang pa ito sa tuwing natatapatan ng ilaw.“Ang ganda,” bulong nya at muli na namang kinilig.Nagtataka na syang tinignan ng mga staff. “Boss ok lang po ba kayo?” Kanina pa kasi sya hindi mapakali at nakangiti simula nang pumasok sya sa shop.Humarap siya sa kanila. “Yup, I’m fine.”“Kanina pa kayo kinikilig dyan, boss,” ani Jasmine. “Ano pong meron?” Ngumisi si Alexis at pinakita sa kanila ang singsing. “Bagay ba sa akin?“ natatawang tanong nya.Parang walang nangyari kahapon. Hindi na bakas sa mukha ni Alexis ang lungkot at pagkabigla sa pagsugod ni Manuel kahapon. Ang mga staff ay napangisi na lamang at napailing. Ngayon ay may idea na sila kung bakit ganito ang reaksyon ng kanilang boss.“Kaya naman po pala,” ani Jasmine. “In love na ulit si bo
Baca selengkapnya
Sebelumnya
12345
DMCA.com Protection Status