Share

Chapter 34

“See you later,” ani Alvin kay Alexis.

Ngayon ay na sa tapat na sila ng gate ng university. Nagpasundo si Alexis kay Jasmine gamit ang motor ng bakery shop dahil nagkaroon ng biglaang meeting sila Alvin. Gusto man maglibot pa ni Alexis ay wala rin naman syang magagawa dahil kailangan ng presensya ni Alvin sa meeting bilang dean.

“Mauna ka na sa loob, baka nag-uumpisa na yung meeting nyo,” ani Alexis at tumingin sa kaniyang relos. “Malapit naman na si Jasmine. Mga ilang minuto lang ay nandito na rin ‘yon,” dagdag nya.

Umiling si Alvin. “Hindi,” natatawang sagot nya. “Hihintayin kitang makasakay bago ako umalis. Paano kung nandito pala yung ex mo?” pagbibiro nya.

Mahina syang nahampas ni Alexis sa braso. “Ikaw talaga, masyado ka na naman. Sge na pumasok ka na at malapit na yun si Jasmine.”

Aalma pa sana sya nang makita nila si Jasmine sa hindi kalayuan, papunta na sa kanila ngayon.

Humarap si Alexis kay Alvin. Hindi na napigilan pa ni Alvin ang sarili, humakbang sya at lumapit kay A
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status