Share

Chapter 33

Maagang nagising si Alexis dahil muli sa sikat ng araw. Maganda na naman ang sikat ng araw ngayon at ganoon din kaganda ang gising niya. Bumangon na sya kaagad at nag-asikaso ng lulutuin para sa almusal nila ni Alvin.

Natapos na sya lahat lahat ngunit si Alvin ay tulog pa rin. Pumasok sya sa loob ng kwarto at naabutan nyang manimbing na natutulog si Alvin. Umupo sya sa gilid ng kama at napatitig sa mukha nito. Napangiti sya dahil mukhang maganda rin ang tulog nya. Sa pagtitig nya ay hindi nya namalayan na nagising na ito kaya naman nataranta sya at biglang tumayo.

“G -good morning,” nahihiyang bati ni Alexis na tila ba nahiya sa kaniyang ginawa kanina. “Sarap ng tulog ah,” dagdag nya pa.

Napaunat si Alvin at niyakap si Alexis na ngayon ay gulat na gulat sa ginawa nya. Napalunok pa ito nang idantay pa ni Alvin ang ulo sa tyan niya. Ramdam ngayon ni Alexis ang bawat paghinga nya na sumasagi sa kaniyang tyan.

“Bumangon ka na,” ani Alexis at bahagyang ginulo ang buhok ni Alvin. “Kumain
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status