Share

Chapter 42

Sumunod din agad si Jayden kay Berry sa bahay. Hindi niya kayang nagagalit sa kanya ang dalaga kaya nagdesisyon siyang isama na lang si Berry pagbalik niya ng Maynila.

"Aling Meling, si Berry po?" tanong niya sa ginang ng masalubong niya itong papalabas ng bahay.

"Aba ay hindi ba't kayong dalawa ang magkasama kanina," ang sagot ni Aling Meling na may pagtataka pa sa mukha.

"Baka dumiretso na siya sa itaas," saad ni Jayden.

"Baka nga Senyorito, hindi ko naman napansin na pumasok siya at umakyat sa silid ninyo. Nagkatampuhan ba kayong dalawa?" wika ni Aling Meling at usisang tanong na rin.

"Nagalit sa akin eh!" napapakamot pa sa batok na sagot ni Jayden sa ginang.

"Suyuin mo na lang Senyorito agad ng hindi lumaki ang problema mo sa nobya mo. Mahirap pa naman kapag ang babae ang nagtampo," nakangiting payo ni Aling Meling kay Jayden.

"Ganun nga ho ang gagawin ko, Aling Meling," napangiting saad ni Jayden.

"Ipaghahain ko na ba kayo ng hapunan ninyong dalawa?" tanong pa ng ginang ng hahakb
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
GIRLY DE TOMAS
thank you sa update miss A
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status