TATLONG TAON ANG nagdaan. Nagpatuloy si Theo na para bang hindi siya apektado sa mga nangyari. Para bang naging routine na niya ang magpanggap na okay lang siya, kahit ang totoo ay hindi naman talaga.Isang gabi, nagpunta si Theo sa isang luxurious restaurant at imeet si Elena, ang anak ng isa mga investors ng kompaniya niya. Ayaw naman ni Theo dapat ang pumunta pero gusto niyang maging maganda ang impression sa kaniya ng magiging business partner niya. At kung kailangan niyang pakisamahan ang anak nito, gagawin niya.Si Elena Amante ay isang mayamang babae na medyo revealing manamit. At base palang sa tingin nito kay Theo, may palagay na siyang may pagtingin sa kaniya ang babae. Pasimple kasing yumuyuko si Elena at naeexposed ang kaniyang dibdib ng bahagya. Pero wala namang interest si Theo doon. Kahit maghubad ngayon si Elena sa harapan niya, wala siyang magiging reaksyon."Mag order muna tayo," ani Theo."Hmm, sure!" masiglang sabi pa ni Elena at ngiting ngiti kahit na no'ng tawagi
Last Updated : 2025-05-22 Read more