"D-DADDY, NAGKA-CRY po ba kayo?" inosenteng tanong bigla ni Baby Alex nang makita ang namamasang mga mata ni Theo.Bahagyang natawa si Theo at agad na umiling. "Hindi, anak. N-Napuwing lang si Daddy. Hindi ako nagcacry," aniya at ngumiti pa."Gano'n po ba? Gusto niyo hipan ko po?" Tumango si Theo. "Sige, anak," sagot niya.Marahang hinawakan ni Baby Alex ang magkabilang pisngi ni Theo. Mas lumapit naman si Theo sa bata. Kalaunan, naramdaman na niya ang ang pag ihip ni Baby Alex sa kaniyang mga mata. Mas lalo lang napangiti si Theo sa simpleng gesture ng kaniyang anak."Okay na po?" mabait na tanong ni Baby Alex."Oo. Salamat, anak," sagot naman ni Theo.Ngumiti si Baby Alex. "Ganiyan po ginagawa ko kapag umiiyak si mommy..."Naging seryoso ang ekspresyon ni Theo. "H-Hindi naman ako umiiyak," pagtanggi pa niya kahit na nahuli naman na siya ng anak. Kung paano narealized ng anak niya iyon, hindi na niya gaanong inisip pa. Halata namang matalinong bata si Baby Alex kahit sa murang edad
Huling Na-update : 2025-05-29 Magbasa pa