Share

Chapter 29.4

last update Last Updated: 2025-10-17 23:48:06

UNANG NAGISING KINABUKASAN si Atticus sa malakas na ingay ng cellphone ni Gabe. Tiningnan iyon ng lalaki na nang makita na ang ama ito ng kanyang nobya na si Gavinn ay nandilat na ang kanyang mga mata at agad ng napabangon. Wala sa sarili niyang inayos ng libreng kamay ang gulo niyang buhok kahit na hindi naman siya nakikita ng kausap niya.

“Tito G-Gavin, magandang umaga po…” nauutal niyang bati na parang nakalimutan ni Fourth kung paano makipag-usap sa matandang lalaki na nasa kabilang linya, nilingon na si Gabe sa kanyang tabi na mahimbing pa rin ang tulog noon.

Alam ni Gavin na maayos na ang dalawa; bati na sila subalit nagulat pa rin siya na ito ang sumagot ng cellphone ng anak. Inaasahan niya kasing si Gabe ang kanyang makakausap. Matanda na ang anak kung kaya naman hindi niya na kailangan pang makialam sa kanila dahil alam niyang alam na niya ang tama at mali. Nasa alaala pa rin niya kung paano niya ginulpi ang lalaki na kapag naiisip ng mga sandaling iyon ay hindi niya mapigila
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 32.3

    ILANG SAGLIT LANG ay nagawa ng malagyan ng lalaki ang baso ng malamig na tubig. Inalalayan pa ni Atticus na uminom si Gavin na bahagyang lumuhod sa gilid ng kama upang maging maayos lang ang pag-inom ng matandang lalaki. Hinawakan ni Gavin ang baso ngunit hindi iyon binitawan ni Atticus sa pag-aalalang mabitawan ito ng matanda at mabasa ang kama nila. Tahimik na uminom si Gavin na naaninag na ang imahe ng malabong mukha ni Atticus.“Dahan-dahan lang po, Tito…” Matapos na uminom ay binitawan din ni Gavin ang baso na binalik naman ni Atticus sa bedside table. Pabalik na sana ang lalaki sa may pintuan nang makita niya ang ginagawang matamang paninitig ni Gavin sa kanya. Iyong mga titig na parang may nais na sabihin pa ito.“T-Tito—” “You don’t have to say sorry, hijo…” putol ni Gavin sa sasabihin sana ng lalaki, “Ako…” turo niya sa kanyang sarili ng isang palad, “Ako dapat ang humingi ng paumanhin sa’yo dahil nakialam ako sa asawa niyong dalawa ni Gabe. Naiintindihan mo naman ako hindi

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 32.2

    IN THE END, they finished almost the entire bottle of expensive liquor. Gaya ng inaasahan ng mga nakapalibot sa kanya, nalasing ang matandang lalaki na si Gavin dahil sa taas ng mga tagay nito na animo ay nagpapakita ng gilas sa mga kainom na anak at manugangin niya. Tinulungan siya ni Bethany na umakyat sa kanilang silid sa ikalawang palapag upang magpahinga na. Nagbubuhol na ang mga binti nito ngunit hindi iyon alintana ng Ginang. Medyo makulit na rin kasi ang asawa at kung anu-ano na ang mga sinasabi na kadalasan ay wala na sa hulog ang iba noon kung kaya naman nagpasya na ang Ginang na patulugin ito.“Nabe, bring up your dad's coat later. Nasa bulsa noon ang cellphone ng Daddy niyo, in case na tumawag ang Lolo niyo ay agad niyang masasagot.”Si Gabe ang tumayo at dumampot noon kahit ang bunso nila ang inuutusan ng kanyang ina. Para kasing walang narinig si Nabe na may binubulong-bulong sa kapatid nilang si Bryson. “Ako na ang magdadala, hindi narinig ng mas paboritong anak ni Dad

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 32.1

    BUMITAK NA SA kakaibang ngiti ang labi ni Gavin sa tono ng boses ng kanyang asawa kahit na medyo nahihiya sa mga anak niyang nakatuon na ang paningin sa kanya. Alam ng matandang lalaki na hindi naman siya pagsasalitaan ng mga ito ng masama dahil sa late na nga siyang nakauwi dahil nawili sila sa paglalaro at usapan na rin ng future in laws nila. Tama ang kanyang asawa. Pinaghintay niya sila ng matagal ngunit alam ni Gavin sa kanyang sarili na worth it naman ito.“Huwag mong sabihin sa akin na may babae ka? Huwag mong panindigan na tama ang nararamdaman kong hinala?” Sa harapan ng mga anak ay walang pakundangang sinabi ni Bethany. Hindi alintana kung marinig man iyon ng lahat.“Ilang dekada na tayong magkasama, tapos pinagdududahan mo pa rin ako ng nararamdaman ko sa’yo?” ganting tanong ni Gavin na binalingan na ang asawa, lalo itong magagalit kung hindi niya bibigyan ng sagot at hahayaan niya lang iyon.“Sinisigurado ko lang, Gavin dahil baka tumatanda ka ng paurong. Subukan mo lang

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 31.4

    NAPASABUNOT NA SA kanyang ulo si Bryson na lumipad na ang tingin sa inang iginalaw lang ang magkabilang balikat. Napag-usapan na nila iyon dati pa na si Bryson ang susuportahan kay Nabe habang wala itong trabaho na tinanggap nito.“Nabe—” “Take note, iba pa ang binibigay ng hipag niyang si Ceska sa kanya. Ang galante nila sa kanya, hindi ba? Pati kay Vaniel.”Nilingon na ni Nabe ang Ate Gabe niya upang magpakampi na rin sa kanya. Naiiling naman si Bethany na nanonood lang.“Ate Gabe, noong si Kuya Bryson ba tinitipid mo? Hindi naman di ba?” “Of course not, wala akong naging reklamo noon kada hingi niya khait gaano pa iyon kalaki pero Nabe, hindi naman sa kung saan-saan niya lang ginagastos ang pera. Hindi mo siya kagaya na—” “Ah, so nagkakampihan na kayong dalawa ngayon?” halukipkip ni Nabe na tinaasan na sila ng kilay ni Bryson, “Mommy narinig mo sina Ate at Kuya? Pinagdadamutan ako. Mag-apply na lang talaga ako ng trabaho para may sarili akong pera.”Sinenyasan ni Bryson si Nabe

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 31.3

    LIHIM NA SERYOSONG nakipag-usap ang matandang lalaki upang pahagingan na rin ang future niyang balae na si Geoff na kailangan na nilang mag-usap tungkol sa pagpapakasal sa kanilang mga anak na hindi lihim sa kanila ang relasyon. Hindi lang iyon lantarang pinaalam ni Gavin dahil hindi pa naman niya nakakausap ang mga bata. Wala namang hadlang si Geoff na kung ano umano ang kanilang maging desisyon ay nakahanda siyang makipagtulungan para sa kay Fourth.“Hindi naman niya sinabi kung saan siya pupunta. Hapon na rin noong umalis. Tumawag lang siya sa akin kani-kanina bago kayo dumating upang sabihing medyo busy raw siya. Pinapunta kayo dito tapos siya naman ang missing in action.” Tinimplahan ng Ginang ang mga anak ng fresh juice na hindi na inalmahan ng mga ito upang mag-request ng kape.“Gabe, may alam ka ba sa ginagawa ng Daddy mo? Hindi kaya may babae na siya? Alam niya namang pupunta kayo eh.” Kulang na lang ay masamid si Gabe sa kanyang iniinom na juice sa hinuhang iyon ng kanyang

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 31.2

    HINDI AKALAIN NG babae na may iba pa palang assets ang kasintahan na tanging siya lang ang may alam habang nasa ibang bansa ito kasama ang kapatid niyang si Uno. Hindi niya alam kung nakalimutan lang ba iyon ni Atticus na dalhin paalis ng kanyang penthouse o sinadya ng lalaking gawin iyon upang kanyang makita. Ikiniling na niya ang ulo, kilala niya ang lalaking hindi rinmayabang sa pera.“Ang sinop naman pala niya kung ganun…” puno ng paghangang sambit niya na tanging sarili lang niya ang nakakarinig. Hindi na mapigilan ni Gabe na mapangiti, kahit hindi na siya magtrabaho kapag nagpakasal sila ay kayang-kaya na siyang buhayin ng kasintahan kahit ilang anak pa ang gawin nila. Subalit, sino naman ang mag-aasikaso ng law firm ng kanyang ama? Siya lang naman ang abogado sa kanilang pamilya na sinundan ang yapak ng kanyang ama. Ang kapatid niyang si Bryson ay into business din at ang kapatid niyang si Nabe kahit graduate na ay mukhang walang pakialam sa asset ng kanilang pamilya kaya hind

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status