MATABANG NA TININGNAN na siya ni Briel. Humalukipkip na ang kanyang dalawang braso. Nasa loob na ng sasakyan ng driver na sundo nila ng mga sandaling iyon si Brian at di na sila dinig. Nakikita lang sila ng bata na mukhang may pinag-uusapan sa likod na masinsinan. “No, kapag sinabi ko sa’yong makikipaghiwalay na ako, makikipaghiwalay na ako!” “Briel, wala na ba talaga? Kahit anong gawin ko wala na ba talaga? Iiwan mo na ako kahit pa anong pakiusap ang gawin ko sa’yo? Ganun mo na lang ba ako bibitawan? Sumusuko ka—” “Dapat noon pa ako sumuko eh. Pinilit ko lang maging maayos tayo. Iyong pag-iwan mo sa akin sa kasal, understandable pa at kaya ko pang tunawin, subalit ang nangyari sa anak natin? Hindi kita kayang basta na lang patawarin, Giovanni. Pasensya ka na. Hindi ko kaya…”Napahaplos na si Briel sa kanyang buhok upang kalamayin ang sumisidhing galit niya.“Kailangan ko ng umalis. May trabaho pa ako, after lunch.” Tinangka ni Briel na sumakay na ng sasakyan ngunit hinawakan ni G
Terakhir Diperbarui : 2025-06-03 Baca selengkapnya