BINUKSAN NI GIOVANNI ang likod na bahagi ng sasakyan at kinuha doon ang mga jar kung saan nakalagay ang maraming paperplanes na itinupi niya, simbolo na namiss niya sila kada piraso noon. Sinundan na siya ng curious na tingin ng bata. “Sa tuwing nami-miss kita o kayo, nagtutupi ako ng paperplanes. Kita mo kung gaano sila karami? Ganyang pagka-miss ang nararamdaman ko sa inyong tatlo ng Mommy mo at ni Gia. Iyong green ikaw, iyong pink kay Gia at red, sa Mommy.” Minsan na na-kwento ni Bethany sa kanya ang mga moment na sobrang miss na siya ni Brian. Anito, lagi itong tatambay ng veranda upang mag-abang ng airplane. Iniisip nito na lulan noon ang ama. Noong marinig iyon ni Giovanni, hindi niya mapigilang bumigat na ang puso. Hindi pa siya noon lubusang magaling kung kaya naman hindi siya agad makauwi dito.
Terakhir Diperbarui : 2025-06-14 Baca selengkapnya