HINDI NA NAPIGILAN ni Giovanni ang silakbo ng kanyang mga luhang sumabay na rin sa bagsak ng mapaklang luha ng babaeng mahal niya. Gustong-gusto niya itong yakapin at aluin, ngunit malayo siya. Hindi niya abot. Baka kapag sinubukan niya ay mapahamak lang silang pareho nito. Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon na napakawalang kwenta niyang ama, asawa at tao dito.“Sa tingin mo kung iiwanan mo kami ng limpak-limpak na salapi, habangbuhay na kaming magiging maligaya? Hindi ganun ang gusto namin, Giovanni at alam na alam mo iyan. Bakit ba palagi mo na lang kaming gustong iwan? Bakit ba hindi ka na lang mapirmi sa tabi naming mag-iina? Bakit palagi na lang na gusto mo akong pasakitan? Si Brian? Bakit ha, Giovanni?!” Nahihirapan man, kumapit si Giovanni sa gilid ng kanyang kama upang abutin si Briel. Walang katiyakan na
Terakhir Diperbarui : 2025-06-10 Baca selengkapnya