Special Chapter“Daddy! Dadday!”Napahilot na lang si Kierra sa sintido niya habang sinusundan ng tingin ang anak nilang babae na si Solvia.“Solvia Aikie, you already have that dress,” ani ni Kierra, pilit pa ring pinapakalma ang sarili kahit paulit-ulit na niyang pinapaalalahanan ang anak. Pero tumalikod na agad si Solvia, sabay takbo papunta sa opisina ng ama niya.Alam na alam nito na kung hindi siya papayag, ang ama niya naman ang papayag.“Did you call me, my princess?” ani naman ni Aiden pagkababa ng phone matapos ang tawag mula sa trabaho. Agad siyang ngumiti at binigyan ng buong atensyon ang anak.“Mom don’t want me to buy this dress,” nakasimangot na sumbong ni Solvia habang hawak pa ang phone niya, ipinapakita kay Aiden ang litrato ng damit.Pumwesto siya sa kandungan ng ama niya, ipinatong ang baba sa balikat nito habang nakatitig ng mata sa mata.“It’s really pretty, Daddy. Look, it has little sparkles and butterflies! I don’t have one like this, promise,” dagdag pa nito,
Last Updated : 2025-07-15 Read more