Napasandal siya sa kinauupuan niya at bahagyang ngumiti sa sarili. "Sungit mo, pero pinagluluto mo pa rin ako," mahina niyang bulong at this time, hindi iyon narinig ni Lorenzo.Napapikit siya sandali at saka inamoy ang napakabangong niluluto ngayon ni Lorenzo. May kung anong ginhawa ang idinudulot ng amoy ng bawang at toyo, parang panandaliang nakakalimutan ng puso niyang magulo ang kawalang-alala niya sa sarili.“I don’t have a name. Can you give me a name?” wala sa sariling tanong ng babae, halos bulong, pero malinaw na malinaw sa katahimikan ng kusina. Minulat niya ang tingin, hinahanap ang sagot sa likod ng seryosong mukha ni Lorenzo.Natigilan si Lorenzo at sinulyapan siya."I mean, may pangalan naman ako siguro diba? Is just that, ampangit naman kapag sa pananatili ko rito eh wala akong kahit anong pangalan. Ano na lang ang itatawag mo sa akin? Babae? Hoy? Stupid? Gusto ko rin na may itatawag kayo sa akin," ani nito dahil sa puntong iyon, iyon ang gusto niya, ang magkaroon ng pa
Terakhir Diperbarui : 2025-07-16 Baca selengkapnya