"Bakit, nalugi na ba ang Hacienda Ferman? Kaya pati ang mansyon nila sa Velegas ay ibinenta na rin nila sa Pamilyang Monteroso? Saka, paano magkakaroon ng malaking halaga si Donita Monteroso, gayong alam naman nating mahirap lang sila noon? Sabagay, taon na rin naman ang lumipas. Baka nakapag-asawa na rin si Donita sa tinagal-tagal na panahon." sagot ni Ginoong Ramonza. "Mas mabuti iyon, aking asawa, kung si Donita Monteroso ang makikita ko sa Mansyon ng mga Ferman. May utang pa sila sa atin na dapat nilang bayaran. Remember, bahay ko 'yon, asawa?? Basta bukas na bukas pupunta ako doon. Itulog mo muna at ako na ang bahala sa lahat. Madaling araw pa lang at puwede ka pang matulog. Ako naman ay magjojogging na para hindi ako makatulog at magkaroon rin ng kaunting energy sa katawan," nakangiting sabi ni Ginoong Ramonza. Samantala, maagang nagising ang Pamilyang Ferman sa Mansyon ng mga Boraque, matapos ang mga pangyayari sa kanilang mansyon kagabi. Kinaumagahan, maagang nagising si Ra
Last Updated : 2025-06-05 Read more