Sinasabi ko ito dahil ayoko nang maulit pa ang nangyari kay Ma’am Raquel," bungad ni Drewf. Seryoso ang kanyang tinig, maging ang kanyang tindig ay tila nagsasabing totoo ang bawat salitang binibitawan niya. "Uhm... Hindi mo na dapat isinama ang pangalan ni Lucifer sa usaping ito," seryosong wika ni Madam Borra habang binibigkas ang mga salitang iyon. "At isa pa, Madam, alam naman natin na iisa lang ang puwedeng gumawa niyan sa kanila — walang ibang gagawa niyan kundi ang babaeng umagaw sa tunay na pagkatao ni Ma’am Elijah!" "STOP! Wala kang karapatang sabihin ’yan rito sa mismong pamamahay ko!" pigil-hiningang sabi ni Madam Borra. Sa kanyang tinig ay naroon ang magkahalong sakit at galit — galit sa kanyang sarili. "Tumigil na kayo. Walang pupuntahan ang usapang ito kung magiging ganito tayo makipag-usap sa isa’t isa. Alam ko, ramdam ko ang pag-aalala n’yo, ang pagtulong n’yo — lahat ’yon, ramdam ko. Kaya please, ayoko ng ganitong usapan. Aakyat na muna ako at magpapahangin sa
Huling Na-update : 2025-06-21 Magbasa pa