Tumalikod si Demon at nagsalita. “Don’t make it quick, Don Vitto. Gusto kong malaman nila na hindi lahat ng Angel ay Angel.” Katagang narinig ni Crystal habang nagtatago sa isang tagong silid.DUMAGUNDONG ang tawa ni Don Vitto sa loob ng silid, isang nakakarinding tawa na kasing-gasgas ng kaniyang pagkatao. “Napakagaling, Damiel. Hindi ko akalaing sa loob ng pamilya Silvestre ay may isang ahas na kasing traydor mo,” wika ni Don Vitto habang hinihimas ang chip na tila isang mamahaling bagay. “Pero ang tanong... paano ang iyong mga kaibigan? Sina Azul, Leiron, at Terrence? Sigurado akong hindi sila matutuwa sa ginawa mo.”Ngumisi si Demon, isang ngising demonyo na walang bakas ng kahit anong pagsisisi. “Sila? Masyado silang tapat kay Dark.” Walang emosyong sagot ni Demon, naupo ito at saka ngumisi bago nagpatuloy. “At ang katapatan sa mundong ito, Don Vitto, isang sakit na kailangang... burahin.”“At ang kapatid mo? Si Dark?”“Si Dark nasa South Ridge na ngayon. At ang tracker na ibini
Mehr lesen