Kanina lang ay nasa kusina sila ni Spade, pinagsasaluhan ang init at sarap ng bawat sandali. Ngayon, narito na sila sa kama kung saan tulog na tulog si Spade. Biglang nag-init ang mukha niya nang maalala ang mga ginawa nila kanina. Unti-unti na rin siyang nagiging wild gaya ni Spade. Alam talaga ng asawa niya kung paano siya pasayahin. "Ang sarap mong halikan," mahina niyang sambit habang marahang hinaplos ang labi nito. "Honey, ilang round pa ba ang gusto mo?" Nanlaki ang mga mata niya nang biglang imulat ni Spade ang mga mata nito. Akala niya ay mahimbing na itong natutulog! "Gising ka pala, hindi ka nagsasabi!" Kunwari ay naiinis niyang wika. Umirap siya. Bigla siyang dinaganan nito. "Umalis ka nga diyan sa ibabaw ko." "Ayoko nga." Isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi nito. "Spade!" masungit kunwaring sambit niya sa pangalan nito. Natawa na lamang siya nang sumimangot ang asawa. Hinalikan siya nito, kusang pumulupot ang mga kamay niya sa batok nito. "I love you
Baca selengkapnya