Pag-alis ni Spade, umalis din si Summer kahit masakit ang katawan niya. Napapangiti siya dahil naging maganda ang gabi niya.Hinihintay niya si Lily sa restaurant. Kumaway siya nang makita niyang papasok na ito."Sum, bakit may band-aid ang leeg mo?" tanong ni Lily."Kinagat ng honeybee," nakangiti niyang sagot."Ang ngiti mo, abot-langit," wika ni Lily sabay ikot ng mga mata. Natawa si Summer sa reaction nito. "Sum, ano plano mo ngayon?""Wala pa sa ngayon. Lily, maaari mo ba akong samahan sa puntod ng ina ko?" Gusto niyang puntahan ang namayapa niyang ina."Oo naman, pero hindi lang siya ang nakalibing doon. Summer, parehas namatay sa car accident ang mga magulang mo. Pumanaw na rin ang lola mo. May kamag-anak ka pang buhay pero iba ang trato sa iyo ng tiyuhin mo. Ang Tita Karen mo lang maayos ang pakikitungo sa iyo subalit noong nasunog ang bahay ninyo naglaho rin siya at hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan," malungkot na wika ni Lily.Nalungkot si Summer. Ulila na pala siya, w
Ler mais