Nang magsimula na ang salo-salo sa pagkain, ay agad niyang inasikaso si Coleen para makakain ito kasama ang mga kalaro nito."Safirah, halika at sumabay ka na sa amin," anyaya ng ina ni Terence."Maya-maya na po. Medyo busog pa po ako," aniya."Okay then. Speaking of which, have you seen Terence? He’s been missing since lunchtime."Hindi niya alam kung ano ang isasagot rito. Mabuti na lamang ay sumulpot si Amanda at Nina."He's with Jasper Tita. Men's business, you know," ani Amanda habang nakangiti. Sunod niyon ay tumingin ito sa kanya ng makahulugan."Ganun ba?""Yes, Tita. Pabalik na rin sila," sabad naman ni Nina.Tumango na lamang si Mrs. Villanueva bago ito tumalikod at umalis.Lumapit naman sa kanya si Amanda. "Dark business, if I may correct it," pasimple nitong sabi sa kanya.Lumingon siya rito habang nakakunot ang kanyang noo. "Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Safirah.Bumulong ito sa kanya. "They're still arguing outside the camp. Trust me, one of them is bou
Last Updated : 2024-09-05 Read more