“Blood tests na naman?” Iritadong tanong ni Irene sa nurse.Hapon na ng bumalik siya sa burn unit. Pinakiramdaman niya kung may lalapit na nurse sa kanya at matatarantang magtatanong kung nasaan siya buong magdamag gaya ng dati. Pero wala man lang nag-abalang bigyan siya ng atensyon. Simula kagabi, kahit ang doktor na tumitingin sa kanya ay walang text o tawag. Ang pinakamasaklap, kahit si Mateo ay hindi din siya hinanap.Sa halip, ang unang sumalubong sa kanya ay isang medtech na may dalang tray. “Miss Irene, order lang po ito ng doktor niyo.”Pabagsak na umupo si Irene sa kama. “Kahapon lang ako nag-blood test, eh. Ano ba ‘yan? Tsaka okay lang ba kahit nakainom ako kagabi?”Awtomatikong tumaas ang kilay ng medtech, “di ba po, may medications pa kayo? Bakit po kayo uminom?”Sa lahat ng ayaw ni Irene ay ang pinapakialaman siya. Lalo pa at isang hamak na medtech lang naman ang kaharap niya. Dahil naiinis pa rin siya dahil hindi siya sinipot ni Mateo, napagdesisyunan niyang ibunton ang
Última actualización : 2026-02-02 Leer más