Ang balak sanang pagliliwaliw ni Janet ay naunsyami. Nasa bungad na siya ng isang exclusive spa kasama ang mga amiga niya ng biglang nag-ring ang cellphone niya. Palihim niyang sinilip kung sino ang tumatawag at kumunot ang kilay niya ng makitang ang anak ang nasa kabilang linya.Wala na sana siyang balak sagutin ang tawag na iyon pero nakita ng amiga niya iyon. “Janet, hindi mo ba sasagutin si Irene? Baka importante ‘yan.”Ngumiti si Janet. “Ah, oo nga. Alam mo naman…medyo abala na rin itong anak ko. Abala na kasi sila sa pag-aasikaso ng magiging kasal nila ni Mateo Garcia kaya parating may kailangan.”“Hindi ba may asawa si Mr. Garcia?” Nagtatakang tanong ng amiga ni Janet. “Hindi ba, step daughter mo ‘yung naging asawa niya? Medyo nakakalito, amiga, ha.”“Eh, si Irene ko naman talaga ang mahal ni Mr. Garcia kaya hindi ka dapat malito.” Para makaiwas sa mas marami pang tanong, bahagyang itinaas ni Janet ang cellphone. “Sagutin ko lang, baka may kailangan ‘to. Kahit kailan, hindi tal
Última actualización : 2026-01-16 Leer más