Sa pagtatapos ng sinabi ni Natalie, dahan-dahang naglaho ang ngiti labi ng lalaki. Kasunod noon, narinig ang mababang tinig ni mateo— malamig at mariin.“Hindi ko na uulitin. Lumayas ka.”Napaatras si Maurice, nagimbal siya bagsik ng titig ni Mateo. Kung kanina ay nagtitimpi pa ito, ngayon ay tila napuno na ito. Mula sa punto de vista niya, alam niyang nagamit na niya ang lahat ng alas nya. Habang nanginginig at umiiyak, hinarap pa rin niya ang lalaki.“Kung ayaw mo akong kilalanin, aalis na ako! Pero alam ko, at alam ng mga taong naroon ng gabing iyon na naroon ka at magkasama tayo!” At tsaka siya nagmadaling tumakbo palayo.Umalis nga si Maurice, pero naiwan ang dalawa sa gitna ng isang nakakabinging katahimikan. Si Mateo ay hindi alam kung paano ipapaliwanag kay Natalie ang nangyari. Hindi naman niya kasama talaga ang babae, gaya ng sinasabi nito.Pinagtagni-tagni ni Natalie ang mga daliri niya. Gaya ni Mateo, hindi niya din alam kung paano magsisimula. Wala na siya sa posisyon par
Última actualización : 2026-01-09 Leer más