Nang gabing ‘yon, magkasama ulit sina Aris, Leo, Stephen at Mateo. Sa pagkakataong ito, walang alak—hindi rin sila sa bar ni Leo nagkita-kita kundi sa isang restaurant na puntahan ng mga working professionals na kagaya din nila.Marami pang tao, mga kagaya din nila na gusto din magliwaliw at tanggalin ang stress ng buong linggo ng pagtatrabaho.“Grabe, ni sa panaginip ko hindi ko inisip na dito na tayo magkikita-kita ngayon. Pumasok na talaga tayo sa ‘tito era’.” Pabirong reklamo ni Aris. “Ano naman ang susunod dito? Golf?”Ibinaba ni Mateo ang tasa ng kape at tumikhim, “Aris, pare. May bar naman sila. Kung hindi mo gusto ang kape hindi ka naman naming pinipilit na makisabay sa amin.”“Oo nga, hayaan mo na si Mateo dahil naghahanda na ‘yan maging ulirang ama.” Dagdag ni Stephen. “Ako nga, babawasan ko na ang paninigarilyo dahil alam mo naman, doktora ang ina ni Mateo Jr. Sigurado akong maliligo muna tayo sa alcohol bago natin mabuhat ang inaanak natin.”Si Leo ay mas piniling magkape.
続きを読む