“Sigurado ka ba na ‘yan ang gusto mo? Kasi hindi ‘yon bastang turok lang ng injection, Justin.” Pigil na pigil ni Natalie ang pag-iyak. Hindi niya inaasahan na sa kapatid niya manggagaling ang ideya na ‘yon. “Wala bang pumilit sayo?”Umiling ito, “wala ate. Naawa ako kay Dad, eh. Tsaka malulungkot si baby boy sa tummy mo kung kulang na naman tayo. Wala na nga si Mama, eh. Mas masaya kung madami tayong magmamahal sa baby.”Nanggilid na ang luha sa mga mata ni Natalie. Niyakap niya ang kapatid. Aaminin niya na hindi pa rin niya gusto na magdonate ito ng atay para sa ama pero gaya nga ng sabi sa kanya ni Mateo, may kakayanan na itong gumawa ng desisyon para sa sarili niya at pinatunayan nga iyon ni Justin. Hindi niya tuloy alam kung ano ang mararamdaman, kung matutuwa o maiinis dahil hindi nila lubusang mapuputol ang ugnayan sa ama kung iyon ang pasya ng kapatid niya.Niyakap niya ng mahigpit ang kapatid. “Sige, kung ‘yan ang gusto mo, Justin.”“Tawagan mo si Papa, ate. Sigurado akong ma
Last Updated : 2026-03-11 Read more