Napalunok si Crassus. Muli niyang niyakap si Raine. Mabuti na lang at hindi na ito pumalag. "Calm down, okay? Uuwi na ako. Mamaya sabay tayo. I'll wait for you, okay?" Tumingala si Raine. "S-sure ka na?" tanong pa niya habang sumisigok. "Baka mamaya si Tia na naman ang hihintayin mo." "Wait, what?" Crassus said, amusement in his voice. He pinched her nose lightly. "Why would I? You're my wife. Waiting for you after work is normal." Namula ang mukha ni Raine pero sumimangot pa rin siya. "M-malay ko," ani niya sabay hikbi. "B-baka mamaya, nag-cha-chat n-naman k-kayo tapos bigla na naman susulpot. Gano'n naman siya rati." "Tsk, silly. That's not gonna happen. Stop thinking about her. Hindi mangyayari iyang sinasabi mo," paniniguro pa ni Crassus. Sumimangot si Raine. "Tapos ngayon pinagtanggol mo pa siya?" Napakamot sa sentido si Crassus. "I'm not protecting her. Ayaw ko lang siya pag-usapan kasi wala naman siyang kwenta. So, stop it. Okay? Hihintayin talaga kita mamaya sa parking lo
Last Updated : 2025-08-23 Read more