LOGINPanay pa rin ang tago nina Zach at Orion sa loob ng kotse dahil pinapaulanan pa rin sila ng bala. Hindi sila tinantanan ng mga ito. Kaya napilitan si Orion na makipagputukan para malagasan kahit papaano ang mga kalaban. Si Zach na walang kaalam-alam sa pagdating sa armas ay mas pinili na maging mata ni Orion. “Drive, Zach,” utos ni Orion habang nakipagpalitan ng bala. “They're escaping.”“What?”Sumilip si Zach sa windshield. Umilaw na ang signal light sa kotse ng mga kalaban. Tumigas ang kanyang mukha.“Come on, Zach!” “Wait, I'm trying,” Zach hissed. Mayamaya pa ay isang bala na tumama sa front shield ng kotse. Napapitlag siya. “What the fûck?”“Don't be a coward. The car is bullet proof.” Orion hissed. “Now, Zach.”Gritting his teeth, Zach slammed his foot on the accelerator. Umugong ang makina at humarurot pasulong ang sasakyan.Habang nagmamaneho ay napapitlag si Zach. May tumama na bala sa harap niya mismo. Napalunok siya ng matindi.“Shît!” Zach cursed. “This is the most wor
Negative, bud,” Rothan said nang makapasok na siya sa kotse ni Crassus.Napatiim ang bagang ni Crassus. Hinilot niya ang kanyang sentido at saka pumikit. Binuksan ni Kien ang pinto ng kotse ni Crassus pero hindi siya pumasok. Idinantay niya ang kanyang siko sa bubong ng kotse at nameywang.Malapit ng sumapit ang dilim pero hindi pa nila nakita si Raine. Mag-dadalawang araw na ito’ng nawawala. Nag-alala na rin ang mga kaibigan nito. Si Athelios ay natulala nang sabihin niya kanina na nawala ang ate ito. Humingi na sila ng tulong sa pulisya para mapabilis ang paghahanap nila, subalit hanggang ngayon ay wala pa sila'ng nahihitang impormasyon kung nasaan si Raine.Hinampas ni Crassus ang manubela ng kotse. “Wala man lang ba kayo bago na sasabihin sa akin?” napipikang tanong niya. Ramdam ni Rothan na anumang oras ay puptuok na sa galit si Crassus kaya lumabas siya ng kotse nito.“Sorry, Crassus. Pero mahirap talaga. Hinahalubhob na namin ang mga abandoned building dito na malapit sa ati
Naalimpungatan si Raine nang may tumama na liwanag sa mukha niya. Tinabunan niya ang kanyang mata para hindi siya masilaw. Sinikap niyang titigan kung ano'ng ilaw ang tumama sa kanya. Nagulat siya nang makitang sinag pala iyon ng araw.Luminga siya sa paligid. Bumalaga sa kanya ang masukal na kakahuyan. Sa harap niya ay may mga nakatambak na lumang sasakyan at motorsiklo. Inilibot niya ulit ang kanyang paningin. Ang mga huni ng kuliglig at ibon ang kanyang naririnig. Bumagsak ang balikat ni Raine. Tinitigan niya ang kanyang galos sa tuhod. Napabuntonghininga siya.Galos lang sana iyon, pero nagsisimula ng magreklamo ang buong katawan niya. Biglaan ang pagiging maliksi niya kahapon. Hindi pa kasali roon ang mga pasa na natatanggap niya mula kay Tia. Nakipagbuno pa siya sa mga bata nito. Kung saan-saan siya nagsusuot para lang makatakas. Kaya parang pinukpok ng martilyo ang buong musles niya. Napangiwi si Raine. Sinubukan niya'ng tumayo. Namamanhid ang binti niya kaya bumalik siya sa
Habol ni Raine ang kanyang pahinga nang tuluyan na siyang makatakas sa abandonadong gusali. Sandali siyang huminto. Itinukod niya ang kanyang kamay sa tuhod. Ginalugad niya ng tingin ang lugar.Mayamaya pa ay narinig niya muli na nagkagulo sa loob. Nalukot ang kanyang mukha. Hingal na hingal na siya sa kakatakbo. Kanina pa siya nakipag-patintero sa mga bata ni Tia para lang makatakas.Muli niya'ng sinipat ang lugar. Hanggang sa may namataan siya na isang sirang bob wire. Malaki ang butas niyon at kaya niya'ng lumusot, subalit ang kasunod niyon ay masukal na daan. Napakadelikado kung iyon ang daang pipiliin niya.Pikit-matang tumakbo papuntang entrance si Raine. Pagkalabas niya ay hindi siya dumiretso papuntang kalsada. Lumiko siya pakanan at tumakbo papunta'ng kakahuyan.Sumuot si Raine sa mga sanga ng kahoy. Malapit ng dumilim kaya mas lalo niya'ng binilisan sa pagtakbo. Sa kakamadali niya ay natisud siya. Napadapa at napasubsob sa mga patay na dahon.Lukot ang mukha na bumangon si R
“Depòta!” sigaw ng lalaking patpat sabay sapo sa kawawang arî.Ngumisi si Raine. Kitang-kita niya kung paano dumaing ang lalaki habang hawak ang napuruhan na pagkalalaki nito. Ang kaninang natatakot na puso ay napalitan ng galit at inis. Umangat ang gilid ng kanyang labi subalit biglang naglaho ng parang bola ang saya niya nang may sumabunot sa kanyang buhok. Umasim ang mukha niya. “Argh!” daig na sigaw ni Raine habang pilit siyang pinapalayo. Sa inis niya ay bumwelo siya ng lundag. Ubod lakas niyang sinipa sa dibdib ang lalaking patpat kaya napaubo ito. Tumilapon ito at napahandusay sa sahig habang sapo ang dibdib. Nakipagbuno si Raine. Siniko niya ng pagkalakas ang kaliwang parte ng lalaking humawak sa kanya subalit dumaing lang ito at hindi siya binitawan. Nilakasan nito sa pagsabunot ang kanyang buhok kaya napasigaw ulit si Raine. Napatiimbagang siya habang sapo ang anit.Sinipa ni Raine ang kaliwang tuhod nito, muli ito'ng dumaing at napasigaw. Naramdaman niya na sandali iton
“Ikaw?” Bulalas ni Raine habang hindi makapaniwalang tumitig kay Erasha. Pait siyang ngumiti, pero ang kanyang mata ay puno ng galit. “Nagsama pa talaga kayo?”Ngumisi ng nakakaloko si Erasha. Lumapit siya kay Raine— yumuko siya at malakas na pinisil ang pisngi nito. “Bakit hindi? Pareho lang kami ng gusto. Bakit hindi na lang pagsamahin ang effort namin para lang itumba ka?”Pinakawalan ni Erasha si Raine. Nameywang siya at nakakainsulto itong tinitigan. “Tch!” Ginalaw-galaw ni Raine ang kanyang dila sa ilalim ng bibig habang tinapunan ng malamig na tingin sina Erasha at Tia. “Alam ni'yo, nakakatawa kayo.”Naningkit ang mata ni Erasha. “Hirap ba talaga kayong itumba ako kaya kailangan ni'yo ng magtulung-tulong?” sarkastikang tanong ni Raine.Nawala ang ngiti sa labi ni Tia. Nilapitan niya si Raine at malakas ito'ng sinampal. “You're to arrogant. Kung hindi ka lang pinoprotektahan ni Crassus, matagal ka na sana namin sa nabura mundo'ng ito. Too bad! Your mother died because of his f
PAGLAPAT ng likod ni Raine sa kama ay sinunggaban na ni Crassus ang kanyang labi. Kumunot ang kanyang noo. Balak niya sanang itikom ang kanyang bibig pero nagawa na ni Crassus na palalimin ang paghalik nito. Napatangay na lang siya sa halik nito. Namalayan na lang niya na tumugon na siya sa halik n
RAINE STAYED in the villa for several days. Wala naman siyang mapagpipilian kung hindi ang tumira roon. Nangako na siya kay Crassus na hindi siya aalis ng villa kung hindi kinakailangan. Maayos naman ang trato nito sa kanya at hindi naman siya inaaway nito kaya wala pa naman problema. Ibang away nga
Tila walang pakialam ang mga kasama nila Raine na mabasa niya ang mga chat. Hindi niya alam kung nakalimutan ba ng mga ito na nandoon din siya sa group chat o sadyang matabil lang talaga ang dila nila. Ni hindi na nangingimi ang mga ito. Talagang sinasabi nila kung ano ang kanilang hinaing. Kaya hin
NAKAHIGA NA SI RAINE sa kwarto pero naglalakbay pa rin ang diwa niya. Hindi siya makatulog. Pabaling - baling siya sa higaan habang iniisip si Crassus.Hindi kasi ito nag - text. Ni hindi rin ito tumawag at mas lalong hindi rin ito nag - chat. Hindi tuloy siya mapalagay. Ano kaya ang iniisip nito.







