Ilaria POV“Salamat po, Manang Lumen, I love you po,” sabi ko kay Manang Lumen nang matapos na niyang ilagay ang bimpo sa likod ko.“Oh, sige, mag-report ka muna kay Sir Keilys, ihahanda ko na nag lunch mo,” sabi pa niya, pipigilan ko sana siya kasi hindi naman ako amo rito, pero wala rin naman akong magagawa kasi gagawin pa rin ‘yon ni Manang Lumen kasi ‘yun ang gusto niya. Siguro, utos din sa kaniya iyon ni Sir Keilys kanina.Ngumuso si Sir Keilys sa direksyon ng sofa sa sala. Pagkatapos ay nauna siyang naglakad kaya sumunod nalang ako.“So, anong nagyari? Nagawa ba ang stage? May kulang pa ba sa dapat bayaran sa stage? Ano? Bukod sa pagpapa-cute mo sa mga lalaki roon, ano pang mare-report mo?”Bumuntong-hininga ako, talagang sineryoso niya ang biro ko.“Wala namang problema po, okay na ang stage, magagawa na po siya at magagamit mamayang gabi. Saka, ito nga pala ‘yung perang natira,” nilabas ko ang eight thousand pesos sa waller ko, “hindi na twenty thousand ang gastos sa stage, ka
Last Updated : 2025-08-04 Read more