Ilaria POVAFTER ng lunch, matutulog na si Sir Keilys, pero hindi ko siya sasabayan ngayon. Hindi ko kailangang matulog, kailangan ko muna kasing umuwi para kumustahin si Nanay. Si Tatay lang kasi ang kasama nito sa bahay, hindi puwedeng ‘di ko sila sisilipin, lalo na’t habang tumatagal, palabo na nang palabo ang mata ni Tatay, baka kasi mali ang napapainom niyang gamot kay Nanay.“Five hours lang, Ilaria. Basta bumalik ka bago mag-dinner,” 'yun ang bilin ni Sir Keilys kanina bago siya pumasok sa kuwarto niya. Payag naman siya agad nang malaman niyang si Nanay ang pakay ko. Wala na siyang sinabi pa, kundi ang usual niyang pagtango at pag-instruct kay Manong Egay na ihatid ako gamit ang sasakyan.Bitbit ko ang malaking supot ng mga gulay, prutas at pagkain na binigay ni Manang Lumen. Tuwing may sobrang pagkain sa villa, sinisigurado niyang may mai-uuwi ako. Sobrang suwerte ko sa amo at sa mga kasama ko sa villa na ‘to, lahat kasi sila ay mababait.“O, Ilaria, bigay mo ‘yan kay Aling La
Last Updated : 2025-07-15 Read more