Ilaria POV“Ilaria, ikaw na ang magdala ng pagkain kay Toph sa ospital. Kawawa naman, fiesta ngayon pero nandoon lang siya, mag-isa. At saka, kapag malakas pa rin ang hang-over mo at ayaw mawala, magpatanong ka sa doctor kung anong dapat gawin para mawala. Hindi puwedeng mawala ka sa sagala mamaya, sayang ang napakagandang kubol para sa ‘yong reyna elena.”Agad akong tumango at ngumiti. “Sige po, Manang. Ako na po ang bahala.” tamang-tama, kailangan ko munang umiwas kay Sir Keilys, kaya mainam na lumabas muna ako.Mabuti nga at wala pa siya nung lumabas ako. Parang nasa kuwarto pa rin, nakahiga at nag-iisip for sure nang ginawa ko sa kaniya kagabi. Buwisit, nakakahiya talaga, para akong bakla kagabi. Bakit ko ginawa iyon? Iba talaga ang tama ng alak sa akin.Isa-isa ko nang inayos ang mga dala kong ulam sa malaking basket. May kare-kare, menudo, hamunadong manok, litson, pancit na pang-long life daw, saka kung anu-ano pang luto ng catering. Dinagdagan pa ni Manang ng leche flan at fr
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-09-07 อ่านเพิ่มเติม