Ilaria POV“Wow! Talaga palang ang laki nitong bahay mo, Sir Keilys,” unang sabi ni Nanay nang makarating na kami rito sa villa.“Keilys na lang po, Tita Laria, kahit wala na pong sir,” nahihiya namang sabi ni Sir Keilys.“Salamat, Keilys, dahil patutuluyin mo kami rito sa malaki mong bahay,” sabi naman ni Tatay, habang panay ang lingon sa buong paligid.Halatang manghang-mangha sila sa laki ng villa ni Sir Keilys.“Pinahanda ko po ‘yung malaking guest room. Doon po ang bedroom ninyo, Tita Laria at Tito Iggy.” Hinatid pa sila ni Sir keilys sa room nila. Habang ako, tahimik at hinahayaang si Sir Keilys ang magsalita at maghatid sa mga magulang ko. Parang kinikiliti ako sa kilig, dahil alam kong makakasama ko ng matagal dito sa villa ang mga magulang ko. Kumbaga, mas panatag ang loob ko, dahil kasama ko sa iisang bubong sina Nanay at Tatay.Bumukas ang pinto ng guest room. “Wow, sobrang laki. Ang laki ng kama, may TV at saka, parang ang lamig?” sabi ni Nanay Laria, na tila naita.Bumulo
Last Updated : 2025-09-20 Read more