Ilaria POVPagdating ko ng Manila, ramdam ko na naman ‘yung init ng paligid. Iba talaga kumpara sa probinsya namin. Ang daming sasakyan, ang daming tao, ang ingay. Pero kahit nakaka-overwhelm, excited pa rin ako. Kasi ito na—kukunin ko na ang uniform ko para sa last semester ko sa White Cross College of Nursing.Graduating na ako, OMG. Ang daming sakripisyo, ang daming pinagdaanan, pero heto ako. Malapit ko nang maabot ang pangarap ko.Pagdating ko sa campus, halos hindi ako makapaniwala. Ang daming estudyanteng pumipila. Halos lahat may hawak na resibo at form, pare-parehong kukuha ng bagong uniform. Karamihan babae, ‘yung iba naman mga lalaki na naka-nursing uniform na rin. ‘Yung iba kasi, lalo na ang mga first year college ay maaga ang pasukan.Nakipila ako agad, hawak-hawak ko na rin agad ang claim stub ko. Habang naghihintay, biglang napansin ko ang isang pamilyar na mukha. Nanlaki ang mga mata ko. Anong ginagawa niya rito?Si Iliana, nandito sa school ko. Nakaayos siya, simple l
Terakhir Diperbarui : 2025-09-26 Baca selengkapnya