Ilaria POVAyaw pa sanang umuwi ni Keilys, ako lang ang pumilit. Kitang-kita ko sa mukha niya ‘yung pag-aalala, ‘yung tipong kahit anong ngiti ko, hindi sapat para pakalmahin siya. Pero pinilit ko pa rin siyang umuwi.“I’m fine, promise,” sabi ko. “Hindi mo kailangang mag-alala nang sobra. Okay na ako, nandito na ang helltrace.”At gaya ng lagi niyang ginagawa, tinitigan lang niya ako nang matagal bago tumango. “Basta, text ka agad kapag may nangyari. Saka, tawagin mo lang ang helltrace, nandiyan nga sila para sa iyo.”“Of course,” ngumiti ako, pero sa loob-loob ko, iba ang nasa isip ko.Kaya ngayong hapon, kahit wala ng klase, hindi pa rin ako umuwi. Hindi ako uuwi nang wala akong gagawin. Hindi ko dapat balewalain ang nangyari kaninang umaga. Pa-graduate na ako, gusto kong maging sulit ang last year na ito.Pumunta ako sa hideout ng helltrace, sa may likod ng building, sa madilim na bahagi ng campus.Nakasandal sila sa pader, parang mga siga sa kanto. Nang makita nila ako, sabay-sab
Terakhir Diperbarui : 2025-10-21 Baca selengkapnya