Ilaria POVNagising ako sa tunog ng sunod-sunod na notification. Akala ko noong una, emergency na naman sa company, pero pagtingin ko sa phone ko, hindi stock report ang bumungad sa akin, hindi rin supplier issue, kundi pangalan ni Iliana.Trending ang gaga. Sa local groups. Sa community page ng Yay Town. Pati sa ilang regional pages.“Thank you, Miss Iliana!”“Grabe po kayo, ang bait n’yo!”“Hindi ko po in-expect na branded pa pala!”Napaupo ako sa kama. Katabi ko si Keilys, kagigising lang din. Nakakunot ang noo niya habang hawak ang sarili niyang phone.“Anong meron?” tanong ko, kahit alam ko na ang sagot. Hindi agad siya nagsalita. Ipinakita niya lang sa akin ang screen.Isang litrato ng isang lalaking nasa early twenties, hawak ang kahon ng rubber shoes. Nakangiti hanggang tenga. “Salamat po, Miss Iliana, sa birthday gift! Hindi ko po akalain na ganito kamahal ito!”Nag-scroll ako. Sunod-sunod. May babae naman, may lalaking nasa trenta, may estudyante, may tricycle driver din.Pa
Last Updated : 2026-03-02 Read more