INICIAR SESIÓNLusing POVPagkaalis nina Sylaila at Fabian para ihatid ang malaking order sa beach resort, ako muna ang naiwan sa puwesto habang kasama ko si Isla.Nakaupo siya sa isang maliit na monoblock chair sa gilid ng ihawan habang tutok na tutok sa kinukulayang activity book. Paminsan-minsan ay inilalabas pa niya ang dila niya kapag masyado siyang naka-focus sa pagkukulay.Napangiti ako. Ang cute talaga ng batang ito.“Isla.”Napatingin siya sa akin. “Yes po, Ate Lusing?”“Tapos mo na bang kulayan ‘yang prinsesa mo?”Agad siyang napangiti. “Hindi pa po.”“Parang limang oras mo nang kinukulayan ‘yan ah.”Napatawa siya. “Matagal ko talaga akong mag-color para maganda ang kakalabasan,” sagot naman nito habang seryoso sa pagkukulay.Nasa harap namin ang isang plato ng bagong ihaw na hotdog. Paminsan-minsan ay kumukuha kami pareho. Mainit-init pa iyon. Libre na iyon sa amin kasi sold out kami. Kumbaga, tiba-tiba na talaga kaya hayahay na lang.“Ang sarap.”Tumango agad si Isla habang ngumunguya. “
Sylaila POVHindi biro ang isang daang stick ng pork barbecue.Hindi rin biro ang isang daang stick ng tenga ng baboy. At lalo namang hindi biro ang limampung buong inihaw na manok. Kaya naman simula pa kanina ay parang piyesta ang ihawan namin.Mainit sobra at ang usok. Nakakapagod, pero masaya aahil alam naming malaking kita ang kapalit nito.“Fabian! Tignan mo nga kung sunog na ‘yang manok!” sigaw ko.“Ayos pa po ‘yan!" sagot niya habang pinapahiran ng sauce ang isa sa mga manok.Sa kabilang banda naman ay abala si Lusing sa pagbibilang ng mga barbecue.“Pitumpu’t lima…Siyamnapu…Siyamnapu’t lima…Teka lang! Nalito ako!”Natawa nalang ako sa kaniya.“Ayan kasi, panay kasi titig kanina sa lalaking um-order kaya nagkakandalito ka,” buska ni Fabian sa kaniya.“Aba, hindi ko kasalanan kung gwapo si Marco!”Ayan na naman silang dalawa. Panay tuloy ang tawa ko kapag silang dalawa ang nag-aasaran. Hindi na rin talaga kumpleto ang tindahan namin dito kung walang maingay na Fabian at Lusing.
Chusan POVI quietly took the elevator up to my condo. As I stared at the numbers lighting up on the elevator door, I couldn't help but remember what I did on the yacht. The live. The wine. The things I said.Sa totoo lang, nahihiya ako sa parents ni Sera. Ano kayang iniisip nila matapos mapanuod ang mga sinabi ko?Bumukas ang elevator. As soon as I stepped out, I immediately saw Mara. She was standing outside my condo unit with her arms crossed. Naku. Alam ko na ang mangyayari.Paglapit ko ay nakatingin lang siya sa akin. Hindi siya nagsasalita at mas nakakatakot iyon.“Miss Mara—”“Pumasok muna tayo sa loob.”Binuksan ko ang pinto at pumasok kami sa loob.Pagkasara pa lang ng pinto ay agad siyang humarap sa akin.“Alam mo ba kung gaano ka ka-viral ngayon?”Napakamot ako sa batok. Mukhang alam ko na kung saan papunta ito.” “Trending ka sa lahat ng social media platforms!”Napabuntong-hininga ako. “Oo na.”“Oo na?” Lalo siyang nainis. “Chusan, milyon-milyong tao ang nanood sa live mo!
Sylaila POVAlas otso pa lang ng umaga ay nasa puwesto na kami sa palengke. Katabi ko si Lusing na abala sa pag-aayos ng mga sangkap habang si Fabian naman ay sinisindihan na ang malaking ihawan. Unti-unti nang nabubuhay ang paligid. Maiingay na naman ang mga nagtitinda ng gulay, isda, karne, at kung anu-ano pa. May mga mamimiling maagang namamalengke habang ang iba naman ay naghahanap ng almusal.Ako naman ay nakaupo sa harap ng puwesto namin habang inaayos ang mga nakatusok na barbecue.“Ang aga natin ngayon kaya mukhang makakarami ulit tayo ng benta,” sabi ni Lusing habang inaayos ang mga lalagyan ng sawsawan.“Mas mabuti nang maaga kaysa mawalan ng benta,” sagot ko sa kaniya habang nakatingin naman kay Isla na abala na naman sa pagco-color sa books niya.“Tama ka naman doon, Ate Ila,” sagot sa akin ni Fabian.Makalipas ang ilang oras ay naging normal ang takbo ng negosyo namin. Maraming bumibili ng barbecue,hotdog, at tenga ng baboy. Maaga palang ay tila foodtrip na agad ang mga t
Chusan POVMaagang-maaga pa lang ay gusto ko nang tumalon sa dagat. Hindi dahil may problema, kundi dahil sa apat na taong kasalukuyang nasa harapan ko ngayon.Sina Calder, Stellan, Zyric, at Arthyl. Mga kaibigan kong walang ginawa kundi pagtawanan ako simula nang magising sila.At alam ko kung bakit. Dahil iyon sa live ko kagabi.Nag-viral na ang ilan sa mga clip na in-edit ng mga fans ko. Sa lintik na live na ginawa ko habang lasing. Nasa open-air breakfast deck kami ng yate. Nasa likurang bahagi iyon kung saan tanaw ang malawak na dagat habang kumakain kami.May mahabang lamesa roon. May mga prutas.Bacon, Eggs, Toast, Pancakes, at kung anu-ano pang pagkain.Pero wala akong ganang kumain, dahil kanina pa ako pinagtatawanan ng mga lokong ito.“Good evening, everyone!” biglang panggagaya ni Zyric sa boses ko iyon kasi ‘yung isa sa mga bungad ko kagabi sa live ko.Halos mabulunan si Arthyl sa kakatawa. Napasubsob naman si Calder sa lamesa. Samantalang si Stellan ay paulit-ulit na puma
Sylaila POVClearing day sa palengke ngayon. Ibig sabihin, walang bukas na puwesto at walang vendor na magtitinda. Day off naming lahat.Nakangiti tuloy akong bumangon mula sa higaan habang inuunat ang mga braso ko. Sa totoo lang, kailangan ko rin ng ganitong pahinga. Sunod-sunod ang nangyari nitong mga nakaraang araw. Mula sa pagkahilo ko, sa mga pabalik-balik na alaala at kung ano-ano pa.Kaya naman nang maisip kong maglakad-lakad ngayong umaga, agad akong ginanahan talaga.Lumabas ako ng kuwarto. Nadatnan ko si Isla na nakaupo na sa sofa. Maaga rin itong nagising.“Nanay!”Ngumiti agad siya.“Hindi mo ako ginising, nauna ka pa!”Tumango ako.“Baka po kasi napagod kayo kahapon kaya hinndi ko na po kayo inistorbo,” magalang niyang agot.Lumapit ako at ginulo ang buhok niya.“Gusto mo bang maglakad-lakad tayo ngayong umaga?”Nanlaki agad ang mga mata niya.“Talaga po?”“Oo.”Tumalon pa siya sa tuwa. Pinagbihis ko siya ng bagong damit. Pagkatapos ay pinuntahan ko na rin si Lusing kabil
Ilaria POVHindi ko akalaing mapapauwi ako ng Yay Town nang ganito kaaga. Ang plano ko talaga ay mag-overnight pa sa condo ni Ruffa, pero ayun, muntik na pa akong mapahamak dahil lang sa kawalanghiyaan niya. Hanggang ngayon, nanginginig pa rin ang mga kamay ko habang nagmamaneho. Hindi ko akalaing
Ilaria POVPilit kong pinakalma ang sarili ko. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto ng banyo at sumilip sa siwang. Nakatalikod si Ruffa, hawak pa ang cellphone, nakatingin sa bintana habang nagsasalita pa rin.“Basta Gerson, siguraduhin mong nandito ka bago mag-gabi. Hindi ako puwedeng mabuking, ha?
Ilaria POVNew house, new life, kaya dapat pagsanayan kong gumising ng maaga dito. Kaya sa loob ng ilang araw na dumaan, natupad ko naman ‘yun. Maaga akong nagising, gaya ng nakasanayan ko simula nang lumipat kami ni Tatay Iggy dito sa bagong bahay namin sa Apple Street. Maliit lang ang bahay, pero
Ilaria POVKakatapos ko lang maglaba. Nakita ko kasing tambak na ang mga lagayan ko ng malilibag na dami, kaya pagkagising ko kaninang umaga, go, laba na agad.Saktong alas nuebe ng umaga ay natapos na ako, kaya nagsampay na ako dito sa likod ng bahay namin. Tinulungan pa nga ako ni Manang Lumen pa







