Ilaria POVBukas na ang filing. Ibig sabihin, ngayong gabi pa lang, nag-iinit na ang social media ng mga tatakbo sa darating ng halalan.At tama nga ako. Bandang alas-siyete ng gabi, habang nasa study room ako ng villa, biglang nag-notify ang phone ko.Iliana is live. Napangisi ako kasi mukhang may pasabog na naman siya.Pinindot ko ang live.Lumabas siya sa screen ko habang maayos ang buhok, simple ang makeup, naka-puting blouse na para bang angel ang gaga, pero demonyo naman talaga. May malambing pa itong ngiti na hindi niya inaalis. Tapos, parang mapagkumbaba ang tingin.Kung hindi mo siya kilala, iisipin mong isa siyang anghel na naligaw sa pulitika.“Magandang gabi po sa inyong lahat, Yay Town,” bati niya habang mahinhin ang boses. “Alam ko pong marami sa inyo ang nagtatanong kung ano ang plano ko.”Ang comments, sunod-sunod.“We love you, Miss Iliana!”“Salamat po sa sapatos!”“Ikaw na po ang pag-asa!”Pinanood ko siya nang hindi kumukurap.“Bukas na po ang filing,” sabi niya at
Last Updated : 2026-03-02 Read more