Sylaila POVHalf day lang ako sa pagtitinda ng palengke ngayong araw dahil kailangan kong umuwi dahil panay ang iyak ni Isla sa school niya. Sabi ng teacher, dinadaing nito ang sakit ng ngipin. Pagkakita ko, ayun, maga na pala ang pisngi kaya Kaya, heto, nasa Calye Depungol ako, bitbit ang lumang payong na halos kupas na ang kulay, habang mahigpit kong hawak ang maliit na supot ng pera sa bulsa ng aking saya. Kailangan kong makarating sa botika bago pa magsara.Kawawa naman kasi si Isla. Dalawang gabi na siyang hindi makatulog nang maayos sa sakit ng ngipin niya, kaninang umaga ay ayos lang naman ang pisngi, pero nung pagkakita ko kanina, iba na, maga na talaga. Nung silipin ko ang bibig, ayon, namumula ang gilagid.Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang mapailing. Sa totoo lang, medyo kasalanan ko rin. Pagkatapos kasi ng ilang araw niyang pag-iyak dahil sa pagkainggit sa dollhouse ni Macabebe, halos lahat ng paborito niyang matatamis ay binili ko. Chocolate, candy, lollipop, mga
Baca selengkapnya