Sylaila POV“Isla, anak, tara na sa loob, kakain na tayo,” tawag ko sa limang taon gulang kong anak na si Isla.“Oh, Isla, tara na, tawag ka na ng nanay mo,” sigaw rin ni Nardo—asawa ko na halos limang taon ko nang kasama rito sa Amontala province.“Nandiyan na po,” masaya namang sigaw ni Isla mula sa maliit niyang kubo. Sinalubong siya ni Nardo.Magkahawak-kamay sina Nardo at Isla habang papunta sa maliit na kusina nitong munting kubo namin. Dinala siya ni Nardo sa running water sa maliit na lababo para ugasan ang kamay nito. Minsan kasi ay naglalaro ng lupa si Isla.“Nanay Ila, adobong kangkong po ba ang ulam, tapos may sahog na tokwa?” tanong agad ni Isla nung lapitan na niya ako rito sa likod ng kubo namin—na kung saan may lamesa na sakto lang para sa aming tatlo. Dito na ang hapagkainan namin tuwing umagahan, tanghalian at hapunan.“Opo, tama ka, anak,” sagot ko sa kaniya habang sinasandok na siya ng kanin sa maliit niyang plato.Simula nung mag-three years old na si Isla, pabori
Baca selengkapnya