Sylaila POVMaagang nagpaalam si Chusan. Maaga pa lang ay nakabihis na siya. Nakasuot siya ng dark gray suit, ayos na ayos ang buhok, at hawak ang tablet niya habang umiinom ng kape. May mahalaga raw siyang board meeting tungkol sa business niya.Bago siya umalis, lumapit siya sa akin.“I won’t be staying long at that board meeting, babalik din ako agad dito sa bahay pagkatapos,” sabi niya.Tumango ako. “Mag-ingat ka.”Dahan-dahan niya akong hinalikan sa noo, tapos sa labi rin.Pagkatapos ay yumuko siya kay Isla.“Be good in school, princess.”Tumango naman agad ang anak ko.“Yes, Papa Cute!”Napangiti ako bigla. Ito ‘yung matagal ko nang gustong mangyari. ‘Yung may papa o ama na sweet na kay Isla. Si Nardo kasi noon, wala, halatang hindi siya mahilig sa bata. Oo, close naman sila ni Isla pero hindi ‘yung sobrang close. Kaya doon palang talaga ay malalaman mong hindi talaga siya ang tunay ng ama ni Isla.Napaisip tuloy ako, nasaan na kaya ang hayop na iyon?Makalipas ang ilang minuto,
Read More