Sylaila POVAng hirap sa malaking bahay pala, kapag wala ang iba, aba, sobrang tahimik. Oo, marami namang puwedeng pagkalibangan dito, pero minsan, hindi mo pa rin mapilang makaramdam ng pagka-boring.Wala kasi ulit si Chusan dahil may mahalaga na naman itong meeting tungkol sa business niya. Mukhang napapadalas ang pagkakaroon ng problema, pero alam kong kaya niya ‘yon. Si Isla naman ay nasa school pa, habang sina Mama Keilani at Papa Sylas ay may lakad din.Kaya ako lang ang naiwan dito sa mansion at nandito ako ngayon sa library room.Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nagsasawang pumasok dito. Napakalaki kasi ng library namin. Napakataas ng kisame at halos puro bookshelf ang nakapaligid. May mga librong galing pa raw sa iba’t ibang bansa. May mga koleksiyon tungkol sa aviation, business, medicine, history, pati novels na iba’t ibang language ang gamit.Napangiti ako habang hinahawakan ang mga gilid ng isang makapal na libro. Kung iisipin, parang hindi ko ata kayang tapusing basahin
Read More