“Mr. Minerva,” sabay-sabay na bati ng mga sekretarya, halatang nagulat sa biglaang pagdating ng matikas na lalaking si Clinton.Bagaman nakausap na nila ito sa telepono kanina, iba pa rin pala kapag personal na. Tahimik silang napatingin sa isa’t isa at pagkatapos ay yumuko, tila hindi makatingin nang diretso sa presensya ni Clinton.With a confident smirk, Clinton asked, “Nasa loob ba si Mr. Fowler?”Tumayo ang isa sa mga sekretarya at mabilis na sumagot, “Yes, Mr. Minerva. Nasa loob po siya. Do you want me to let him know you're here?”“No need,” ani Clinton, habang marahang binuksan ang pintuan ng opisina ni Brandon.Pagkapasok niya, agad niyang nakita ang lalaking nakaupo sa gitna ng modernong opisina—naka-roll-up sleeves, seryosong nakakunot ang noo habang hinihimas ang kilay, waring malalim ang iniisip.Napatingin si Brandon sa pagbukas ng pinto. Sandali lamang ang tingin niya kay Clinton, walang emosyon at kumpas. Isang sulyap lang, tapos balik muli sa hawak niyang papeles. That
Terakhir Diperbarui : 2024-12-23 Baca selengkapnya