Tahimik na tumitig si Brandon sa mukha ni Marga. Sa unang tingin, tila kalmado lang ito—walang bakas ng kahit anong emosyon. Pero sa malapít na distansya, doon niya napansin ang mabilis na pagbabago sa mga mata ng babae—mga matang tila punong-puno ng sakit, galit, at isang bagay na mas malalim pa… pagtataksil?Tatlong taon na silang magkasama bilang mag-asawa, pero ni minsan ay hindi pa rin niya tuluyang nauunawaan si Marga. Marami nang sandaling parang estranghero pa rin ito sa kanya. Tulad ngayon.“Tingnan mo, Brandon… pinili mo si Cathy,” mahinahong wika ni Marga, pero bawat salitang binigkas niya ay tila lasong gumapang sa hangin. “You will always choose her. Mas pinili mong saktan ako.”Napalunok si Brandon, at bahagyang napakunot ang noo. Sa tabi ng mesa, nakatayo ang isang silver bucket na puno ng yelo. Kumuha siya ng isang ice cube at idinikit iyon sa noo niya, parang sinusubukang patigilin ang sakit ng ulo o ang init ng pagkalito. Ngunit higit sa lahat, gusto niyang mawala ang
최신 업데이트 : 2024-12-17 더 보기