Sa burol…Isang simpleng chapel, may puting kurtina, ilang bulaklak sa gilid, at isang bukas na kabaong na may larawan ni Monica sa harap. Nakaayos ang kanyang mukha, payapa at maganda pa rin. Parang natutulog lamang.Dumating ang mga kaibigan, dating katrabaho, at ilang kamag-anak. Tahimik ang paligid—walang labis na musika, walang engrandeng ayos, kundi dasal, tahimik na iyakan, at pag-alala.“Si Monica, hindi siya madaldal,” wika ng isa sa mga kaibigan niya. “Pero grabe siya magmahal. Lahat ng problema mo, kaya niyang damayan kahit may sarili siyang pinapasan.”“Isa siyang ina, asawa, anak, kaibigan—na walang katumbas,” dagdag pa ng isa. “Ang kabutihan niya… hindi basta mawawala.”Habang nakikinig, tahimik lang si Lance. Suot ang itim na long sleeves, hawak ang kamay ni Lucien. Lumapit si Rene, at tinapik siya sa balikat.“Maraming nagmamahal sa anak ko. At ngayon, gusto kong sabihin sa'yo, anak na rin kita.”Nagulat si Lance. “Sir—”“Rene na lang, Lance. Matagal ka nang bahagi ng
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-05-12 อ่านเพิ่มเติม